Pages

Wednesday, September 9, 2015

Mga Elemento ng Balagtasan

MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN

1. Tauhan

a. Lakandiwa - siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas.Siya rin ang tagapamagitan o taga pagbigay hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa paksa,tikas,tinig at kakayahang umakit sa mga nakikinig.

b. Mambabalagtas - tawag sa taong nakikipagbalatasan o makatang lumalahok dito na karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan.Makata ang gumagawa ng tula,mga akda at nagwagi na sa larangan ng pagsulat.

c. Manonood - sila ang mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan.Ang manonood ay isa sa mga pangangailangan sa ganitong uri ng presentasyon.Ang kahusayan ng mga mambabalagtas at masusukat sa reaksyon ng mga manonood. Ang taginting ng kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon para sa kanila.

2. Pinagkaugalian

a. May sukat - ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.Ngayon nauuso na rin ang moderasyon sa balagtasan ang dating lalabindalawang pantig ay naging labing-anim na pantig ngayon.Ang iba naman ay ginagawa itong lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay dalawampu.

b. Tugma - tugma ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan.Maari itong maging tugmang ganap na nangangahulugang matatapos ang mga taludtod sa patinig o sa impit na tunog.Ang tugmang di ganap ay nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri ng patinig sa loob ng patinig ang huling titik naman ay magkaiba.

c. Indayog - tinatawag ding aliw-iw ang indayog.Ito ay tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng mga salita sa isang taludtod.

3. Paksa - ang paksa ay bagay na pinag-uusupan o tatalakayin upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto nito.


4 .Mensahe - ito ang kaisipang nais ipabatid sa mga nakikinig ng balagtasan kaakibat ng paksang tinatalakay ang mensaheng nais iparating.

No comments:

Post a Comment