Pages

Friday, September 5, 2014

Mangyan Musical Instruments (tagalog) - Instrumento/kagamitan sa Musika ng Mangyan

 Instrumento / Kagamitan sa Musika ng mga Mangyan

English version (click here)

Bangsi (plauta) - Ito ay isang maliit at bilog na  kawayan na may mga pingas/butas sa katawan ng plauta

Subing or Kinaban (Jaw's harp) – Isang manipis na kawayang alpa na iniipit sa bibig, at pinipitik upang makalikha ng mataginting na tunog.

Gitgit (Lute) – Isa itong uri ng katutubong byolin na mayroong apat o tatlong tali / kwerdas na yari sa buhok ng tao.

Lantoy – Isang pluta na tinutugtog sa papamagitan ng ilong.  

Batiwtiw  - Isang gamit /instrument na yari o gawa sa kawayan na may habang 40 sintemetro (40 cm), na pinapatugtog sa pamamagatin ng pagkalabit ng palad sa dulo ng kawayan.

Kudlong or Kutiyapi – isang uri ng “lute” na may dalawang kuwerdas na hugis bangka.  Mayroon itong pihitang panghigpit na yari sa kahoy,  na ang pagkit mula sa bahay ng bubuyog.

Kudlung –  kawayang kudyapi na may magkaagapay ng dalawang tali / kwerdas, na kung saan ang kwerdas /tali ay nakatuhog palabas ng tubong kawayan.


Musikang pangrupo  / Musical Ensemble

Buray-Dipay – pakalantog / patunog na “bean-pod” (supot  ng buto ng gulay tulad ng patani) na ginagamit kasama ng instrumentong kalutang.

Kalutang – may kabuuang dalwang piraso ng kahoy, na may iba ibang haba, upang lumikha ng magkakaibang layo/haba ng tunog.

Agong (Gong) – makaparehang malawak na pabilog na buslo, ginagamit ito na  nakabitin ng patayo, pinupokpok upang makalikha ng tunog.

Agung  -  dalawang maliit na gong na magkapareha, at pinapatunog ng dalawang tao na nakaupo sa sahig ng pabukaka.  Ang isa ay pinapatunong ang gilid ng patpat na may pabalat.


No comments:

Post a Comment