Pages

Friday, July 19, 2013

Buod ng Walang Sugat ni Severino Reyes

WALANG SUGAT
Ni Severino Reyes


I. BUOD:

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na kung tawagin ay hele hele bago quiere. 

Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.

Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay.

Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.

Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.

Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.

Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban.

Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero.


Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.

2 comments: