Si Karlo at
Kaloy ang Prinsipe ng mga Kalabaw
Kwentong Bayan
Noong unang panahon may isang kaharian ng mga kalabaw, si
haring kalasyaw kalabaw ang namumuno dito.
Meron syang dalawang anak, ang kambal na si prinsipe karlo at prinsipe
kaloy, si prinsepe Karlo ay matapang, matipuno at malakas ang loob, kaya nyang
ipagtanggol ang buong kaharian. Si
prinsipe Kaloy naman ay matulungin, simple at mapagpakumbaba, kaya naman
malapit sya sa mga kalabaw.
“Simula ng ako’y maglingkod, sinikap ko na, na maging isang
mabuting hari, lagi kong iniisip ang kabutihan ng nasasakupan ko, may pagkain
ba sila, may tirahan, maayos ba ang kanilang kalagayan, alam ng mga nasasakupan
ko yan, kaya naman malapit sila sa akin, ipinatawag ko kayo dahil may mahalaga
akong sasabihin, alam nyo mga anak, tumatanda na ako at nahihirapan na ring mamuno
gusto kung isa sa inyo ang pumalit sa akin dahil alam kung ipagpapatuloy nyo
ang mga nasimulan ko at para malaman ko kung sino ang karapat-dapat,
kinakailangan na dumaan kayo sa isang pagsubok” ang wika ng hari.
“Pagsubok?” ano po iyon?
“Narito ang dalawang paso may nakatanim na buto dyan iuwi
nyo ito at alagaan subalit may ilang kondisyon, una, minsan lang sa isang lingo
ito didiligan sa pamamagitan ng paglubog ng paso sa balon, na matatagpuan sa
may burol sa labas ng palasyo.
Pangalawa, ang pagdidilig ay gagawin lamang sa gabi at pangatlo,
paarawan nyo ito ng isang lingo bago ilubog ulit sa balon, pagkatapos ng anim
na buwan, bumalik kayo sa akin, nagkakaintindihan ba tayo?”
“opo, mahal na amang hari”
Makalipas ang ilang lingo.
“oh anong nangyari sa tanim mo? Tanong ni Karlo
“ewan ko ba, nagtampo yata, buti ka pa tumubo na ang tanim
mo, samantalang ako kahit anino ng dahon wala, binabati kita Karlo, marahil ay
ikaw na ang papalit kay ama” wika ni Kaloy.
Isang araw napansin ni haring Kalasyaw na malungkot si
Kaloy.
“oh kumusta na?” wika ng hari
“wala pa rin pong tumutubo eh.”
“hayaan mo lang ganon talaga, may mga halamang mabagal
tumubo, yong iba naman ay mabilis basta gawin mo lamang ang ipinapagawa ko wag
kang mawawalan ng pag-asa baka bukas ay meron ng tutubo dyan.”
Makalipas ang anim na buwan.
“Dumating na ang takdang panahon, ano na ang balita sa mga ibinigay ko
sa inyong paso?”
“mahal kong amang hari, tingnan mo ang aking halaman, madami
ng dahon at malagong malago” wika ni Karlo.
“naku mahal kong ama, nakakahiya man pero minalas po ako
hindi po tumubo ang aking halaman ginawa ko naman po ang lahat diniligan ko
pinaarawan ko lahat po ng sinabi nyo sinunod ko, kaya lang nagtampo wala
talagang nangyari.” Sabi ni Kaloy.
“base sa ipinakita nyo sa akin, napatunayan ko kung sino sa
inyo ang karapat-dapat, sya ang pinili ko dahil sya ay mapagkakatiwalaan at
dahil sa kanyang katapatan maipagpapatuloy nya ang mga nasimulan ko na at ikaw
yan Kaloy. Ang tubig sa balon ay mababaw
lang hindi sapat ang lalim nito upang madiligan ang buto sa loob ng paso, sa
gabi ko ipinagawa ito upang hindi nyo makita na hindi nababasa ang loob ng paso
kaya kung totoong sinunod nyo, hindi talaga tutubo ang halaman dahil hindi ito
nadidiligan, dahil dito ikaw Kaloy ang nakapasa sa pagsubok at dahil dyan ikaw
ang susunod na magiging hari ng mga kalabaw.
At ikaw naman Karlo, nawa’y natuto ka sa pagsubok na ito.”
“Patawad po amang hari, inakala ko pong matutuwa kayo sa akin
pag napalago ko ang halaman, kaya nong napansin kong hindi tumutubo ang buto,
diniligan ko ito minsan sa isang araw, patawad po uli amang hari. Binabati kita Kaloy, ikaw ang nararapat na
mamuno sa ating kaharian.” Wika ni Karlo.
“Maraming salamat Karlo”
At sa ilalim ng pamumuno ni haring Kaloy ay mas napaunlad
nya at napagyaman ang kaharian ng mga kalabaw.
No comments:
Post a Comment