Pages

Friday, September 23, 2016

Disiplina Para sa Mga Nais Huminto Sa Pag-inom ng Alak - Sanaysay

Disiplina Para sa Mga Nais Huminto Sa Pag-inom ng Alak
Maikling Sanaysay


Kailangan ang Medikal na Tulong ni: J Ang sinumang tao na naniniwala na sila ay mayroong talamak na pagkahumaling sa alak ay pinapayuhang huwag munang madaliin ang paghinto hanggang hindi pa kumukunsulta sa isang mangagagamot. Maaaring makahinto ang isang tao sa kanyang sariling paraan, lalo na ang mga kabataan na hindi pa masyadong naaapektuhan ngunit ang iba naman ay kailangan munang magpasuri sa espesyalista upang matugunan ang mga katanungan ukol sa kanilang binabalak na paghinto. Ang paghinto sa pag-inom ng alcohol sa pamamagitan ng pagsasailalim sa medical na gamutan ay makatutulong sa isang tao upang hindi makaranas ng labis na hirap at mapigilan ang anumang panganib na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan. Gayundin naman na maipananalo nila ang laban sa unang antas ng kanilang pagtigil at magiging madali sa kanila ang mga hakbang sa mga susunod na bahagi. Ang paghinto sa pag-inom ng alak, lalo na sa ating mga Filipino, ay nangangailangan ng maayos na disiplina at malakas na pagnanais na maisakatuparan ang mga binabalak. Ito ay nangangailangan din ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang mga dahilan kung bakit sila nalulong sa alak. Ito ay makatutulong upang ganap na maunawaan ang mga bagay na kaakibat ng kanilang problema. Ito rin ang magiging daan upang malaman kung paano sila madaling makakaiwas sa pagkakaroon ng kagustuhang uminom na muli. Sa ganitong pagkakataon, ang pagsailalim sa medical na gamutan ay hindi nangangahulugang may isang magical na gamot na makapagpapaalis nang mabilis at epektibo sa mga problema. Kailangan pa ring isaalang-alang nating mga Filipino ang iba pang bagay upang lubusang gumaling sa sakit at makaalis sa alcohol addiction. Ngunit ang gamutan ay isang mahalagang paraan na magiging sandata upang makatakas sa negatibong kondisyon. Kung ang isang tao na may pisikal na pagkagumon sa alak at sinusubukan niyang ihinto ang pag-inom na walang medical na tulong, ang withdrawal symptoms ay makapagdudulot sa katawan ng isang estado upang mahirapan ito. Ito ay maaaring maging dahilan ng paglikas ng mga mahahalagang energy at pagkawala ng memorya o kahit kamatayan sapagkat naging resulta sa utak na nawalan ng mahahalagang bitamina. Gayundin naman na mas mapanganib na lubos na mababawasan ng lakas ang katawan kapag hindi nabigyan ng medikal na tulong ang isang taong hihinto na sa pag-inom ng alak. Maaari namang sumailalim sa gamutan kahit na nasa bahay lamang. Ang mga tao na nangangailangan ng medical na gamutan ay nararapat lamang na kumunsulta muna sa doktor upang hindi maging mapanganib ang paghinto sa pag- inom ng alak. Pagkatapos nito, maaari nang i-monitor ang gamutan sa loob ng bahay upang makasama ng pamilya at masuportahan ang isang tao na may problema.

No comments:

Post a Comment