Pages

Monday, October 13, 2014

Alamat ni malakas at maganda

Sinasabing sa simula ay wala pang daigdig at Tao; mayroon lamang langit at dagat. Magkasinlawak ang dalawa sapagkat sila'y magkatapat. Ang tanging nilalang na nakapagitan sa kanila ay isang ibon.

Walang tigil sa kalilipad ang ibon sa kalawakan hanggang mainip it at mapagod. Naroon nga ang langit sa itaas ngunit Hindi niya ito abot. Naroon nga ang dagat sa ibaba, ngunit Hindi naman siya makalapag.

Nag-isip ang ibon kung paano niya maaabot ang dalawa. Sumisid itong pabulusok at kumahig nang kumahig sa tubig. Nadama ng ibon na nagkaroon ng silbi ang kanyang ginawa. Mabilis at walang aptid ang kanyang pagkahig na ikinasaboy paitaas ang tubig.

Nagimbal ang langit. Natiyak na kapag Hindi tumigil sa pagkahig ang ibon ay baka umabot sa kanyang dibdib ang tubig-dagat. Naramdaman na rin niyang nag-alab ang dibdib ng dagat sapagkat ginalit nga ito ng ibon; dahil dito, nag-isip na siya ng paraan para mapahinto ito.

Naiisip ng langit na gumawa ng bato sa kanyang mga ulap at saka ibinagsak iyon sa dagat upang maampat ang galit niyo na nilikha ng ibon.

Sa mga batong ibinagsak niya sa dagat, inatasan lumapag ang ibon upang siyang gawing pugad, at saka sinabing huwag na silang gambalain pa ng dagat.

Lumapag anga ang ibon sa isang batong pulo ngunit my namataan naman siyang isang bagay na lulutang-lutang. Hindi niya iyon pinansin, ngunit nang siya ay masagi at masaktan ng putol na kawayang nakalutang, siya ay napoot at walang tigil na tinuka ang kawayang may dalawang biyas.

Nabiyak ang kawayan. Sa unang biyas ay lumitaw ang isang lalaki at isang babae naman sa ikalawa.

Sa dalawang ito nagsimula ang daigdig sapagkat sila ang naging unang Tao.





No comments:

Post a Comment