Pages

Monday, October 13, 2014

Alamat ng Lanzones 3

Noong unang panahon, may isang napakagandang dalaga na naninirahan sa isang maliit na bario na ang pangalan ay “Karilag”. Namumuhay siyang kasama ang kanyang ama na si Lum-ao at ang ina na si Berehna.

Si Karilag ay hindi lamang maganda, siya rin ay matulungin isang dahilan upang siyang maging tanyag sa kanilang lugar. At dahil dito, maraming mga binata ang nagnanais na siya’y mapangasawa, subali’t isang lalaki lamang ang nakapasa sa mga katangiang hinahanap ni Karilag at iyon ay si Kasim na isang magsasaka.

Pinakasalan ni Kasim si Karilag, at sila’y namuhay na Masaya, madalas na nasa bukid si Kasim habang nasa bahay naman si Karilag at ginagampanan ang payak na gawain ng isang may-bahay. Masaya sila sa ganitong pamumuhay.

Isang araw ang kanilang kasiyahan ay natapos ng si Tamaru – isang mayamang tao sa kanilang lugar na nagging manliligaw ni Karilag, iniutos niya sa kanyang mga tauhan na dukutin si Karilag. Siya’y nagalit dahil sa pagwalang bahala sa kaniya ni Karilag. Ito’y kaniyang hinalay at piñata at pagkatapos ay ibinaon sa lupang sinasaka ni Kasim.

Sa kabilang dako, si Kasim ay di balisa sapagka’t hindi niya makita ang kanyang asawa sa kanilang bahay, hinanap niya ito sa lahat ng lugar sa kanilang baryo subalit hindi niya ito matagpuan. Hindi na siya pumupunta sa kanilang bukid dahil sa paghahanap niya kay Karilag sa loob ng tatlong buwan. Isang araw, sumuko na rin siya sa paghahanap at bumalik sa kanyang bukid. Sa kanyang pagkamagha, natagpuan niya rito ang isang puno ng prutas, tinikman niya ang isa, subalit sa kanyang pagkadismaya, ang bunga ay hindi matamis, kaya ipinasiya niyang putulin ito subalit sa kadahilanang siyang pagod na, siya’y nakatulog, habang siya’y natutulog, napanaginipan niya ang kaniyang asawang si Karilag na kinakausap siya, “Kasim aking mahal na asawa” ako ang nasa puno, piñata ako ni Tamaru, subali’y huwag ka ng maghiganti, alagaan mo na lamang ang puno ng prutas upang ng sag anon ako’y makakasama mo rin magpakailanman.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ginawang lahat ni Kasim ang kayang makakaya upang maalagaan ng maayos ang puno. Binabantayan niya ito araw at gabi, dinidiligan, at kinakausap na animo’y ito ang kanyang asawang si Karilag.

Isang umaga ng buwan ng Oktubre, pumunta si Kasim sa kanyang bukid upang dalawin ang puno ng prutas. Nagulat siya dahil ang bunga nito ay kulay dilaw na (hinog) kaya tinikman niya ang isa ay siya’y masaya dahil ito ay matamis at masarap. Hinayaan din niyang matikman ng kayang mga kababaryo at tulad ni Kasim nagustuhan din nilang lahat ang lasa nito, sinabi ni Kasim na ang bunga ay isang maliit na ala-ala ng kanyang asawang si Karilag, katulad ng kanyang asawa ang bunga ay matamis. At pagkatapos non ang mga taong baryo ay nagtanim na ng buto ng prutas, at ito’y pinangalanan nilang “Buahan” mula sa salitang “Bulahan”.



No comments:

Post a Comment