Pages

Wednesday, September 10, 2014

Mga pangungusap na walang paksa

Mga pangungusap na walang paksa 

1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaring 
ginawa na at kailangan lamang pasalamatan. 
Halimbawa: 
a. Salamat.(po) 
b. Maraming salamat.(po) 

2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang tao at 
nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap 
Halimbawa: 
a. Allan! 
b. Korina! 

3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring may 
kinalaman sa kalikasan 
Halimbawa: 
a. Umuulan na. 
b. Lumilindol. 

4.Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taong 
binabati 
Halimbawa: 
a. Magandang Araw. 
b. Maligayang pagbati sa iyo. 

5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap ang 
pinagpaalaman ng aalis 
Halimbawa: 
a. Paalam na.(po) 
b. Hanggang sa muli.(po) 

6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon. 
Halimbawa: 
a. Pasko na! 
b. Bertdey mo na. 

7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanong 
Halimbawa: 
a. Oo. 
b. Hindi. 
c. Baka. 

8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nang 
pahayag na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit. 
Halimbawa: 
a. Saan? 
b. Ano? 
c. Ha? 

9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang 
inuutusan. 
Halimbawa: 
a. Lakad na. 
b. Sulong! 
c. Halika. 

10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki
Halimbawa: 
a. Pakidala nito. 
b. Makikiraan.(po) 

11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagang 
kay at napaka
Halimbawa: 
a. Kaybuti mo! 
b. Napakatamis nito! 

12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadarama 
Halimbawa: 
a. Aray! 
b. Ay! 

13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang may 
mayroon at wala
Halimbawa: 
a. May pasok ngayon. 
b. Walang tao riyan. 

No comments:

Post a Comment