Pages

Tuesday, September 30, 2014

Kasaysayan ng MiMaRoPa at mga lalawigan / probinsya

Kasaysayan ng probinsya sa MiMaRoPa, mga lalawigan.

Kasaysayan ng MiMaRoPa

Noong Mayo 17, 2001, sa bisa ng Execitve Order bilang 103, ang Rehiyon IV (dakong timog katagalugan) ay hinati sa Rehiyon IV-A (CaLaBarZon) at Rehiyon IV-B(MiMaRoPa)

Nagbigay ng Utos Pampangasiwaan bilang 103 (EO103) si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-17 ng Mayo, 2001 na naghahati sa lalawigan ng dakong timog katagalugan na kasama sa Rehiyon IV upang gawing dalawang rehiyon – rehiyon IV-A at IV-B – upang isulong ang kahusayan sa pamahalaan, mapabilis ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad at mapabuti ang mga serbisyong pampubliko.  Ang Rehiyon IV-A na kilala bilang CALABARZON na tumatayo para sa lalawigan ng CAvite, LAguna, BAtangas, Rizal at QueZON.  Ang Rehiyon IV-B naman ay kilala bilang MIMAROPA, tumatayo para sa mga lalawigan sa isla na kinabibilangan ng MIndoro (Oriental at Occidental), MArinduque, ROmblon at PAlawan.


Kasaysayan ng Mindoro

Ang pangalang Mindoro ay nagmula sa salitang kastila na “Mina de Oro” o mina ng ginto.   Tinawag din itong “Mai” ng mga sinaunang mangangalakal na intsik.  Ang kahalagahan ng Mindoro ay nagmula pa nong bago dumating ang mga Kastila.   Ang kanais-nais na kahalagahan nito ay dahil sa heograpikong kinalalagyan, nagsilbi itong sentro ng kalakalan ng mga kalakal ng intsik.  Mas maaga pa mula noong 872 A.D., ang Mindoro ay nakikipag kalakal sa mga Kanton dahil sa lapit nito sa isa’t-isa.  Ang ulat noong 1225 A.D. ng mga intsik ang nagbigay ng unang dokomentadong katibayan ukol sa isla ng Mindoro.  Sunod sa umiiral na ruta ng mga sinaunang panahon, ang mga barko ay naglalayag mula sa hilaga haggang sa kanlurang bahagi ng baybayin sa Mindoro, na kung saan mayroong maraming naninirahan sa sentro ng bayan.   Para sa mga produktong beeswax, perlas, bakya at talukab ng pagong, ipinapalit naman ng mga intsik ang mga porselana, sutla at tsaa.

Noong ika labing apat na siglo, ang eperyo ng Madjapahit ang namamahala sa pagpapalawig mula sa Borneo hanggang Mindoro.  Noong Mayo 8, 1570, si kapitan Martin de Goite kasama ni Juan Salcedo ay ginalugad ang kanlurang bahagi ng Mindoro.  Noong 1591, ng hinati ng mga Kastilang “conquistadores” ang Pilipinas sa labing-isang probinsya, ang Mindoro ay isinama sa pangkat ng Calilaya, Lubang, Batangas, pulutong ng Calamianes at Marinduque.   Itinatag  sa Calavite ang ikatlong distritong Eklesiastikong kapuluan ng Pilipinas ng mga rekolektong prayle noong ika 18 ng Hunyo, 1677.  Ang Mindoro ay naging bahagi ng probinsya ng Batangas ng ang huli ay ginawang hiwalay na probinsyang tinawag na Bonbon.  Sa simula ng ika-17 siglo, ang isla ay ihiniwalay mula sa Batangas at binuo na isang “Corrigimento” kasama ng Puerto Galera bilang kabisera, at napa-ilalim sa nasasaklawan ng Marinduque.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Mindoro noong 1889, nagtayo sila ng pamahalaang military sa isla hanggang sa magumpisa ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901.  Nagkaroon din ng makasaysayang bahagi ang probinsya noong ikalawang digmaang pandigdig.   Ang nakakatindig balahibong kagitingan ng mga bayaning lumaban kasama ng mga sundalong Amerikano laban sa pananakop ng mga Hapones.  Mula sa Leyte, isinagawa ng pwersa ni Douglas McArthur ang ikalawang paglapag “second landing” sa timog na bahagi ng probinsya noong Desyembre 15, 1945 patungo sa pagpapalaya ng bansa mula sa pananakop ng mga Hapones.

Noong ika-15 ng Nobyembre, 1950, ang Mindoro ay hinati sa dalawang probinsya: ang Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.  Ang San Jose ay ginawang kabisera ng Occidental na sa kalaunan ay inilipat sa Mamburao noong Enero 1, 1961,  At Calapan naman ang kabisera ng Oriental na sa kasalukuyan ay isa ng siyudad.


Kasaysayan ng Marinduque

Ayon sa alamat, ang Marinduque ay nabuo mula sa kinahinatnan ng isang trahedya ng  pag-iibigan sa pagitan ng dalawang tao: Mariin at Gatduke.   Ang tatay ni Mariin ay isang pinuno, na ayaw pumayag sa pagmamahalan ng dalawa at nag-utos na pugutan ng ulo si Gadduke.  Subalit bago ito naganap, ang magkasintahan ay naglayag sa dagat at nagpakalunod, ang mga diwata ay naawa sa kanila kaya nagiwan ito ng isang tanda na hugis puso sa lugar, kung saan sila ay nalunod.  At ang islang iyon ay tinawag na Marinduque, ang magkasamang pangalan ng dalawang magkasintahan.

Noong panahon ng mga Kastila at unang pananakop ng mga Amerikano, ang Marinduque ay bahagi ng probinsya ng Balayan (Batangas) noong ika-16 na siglo, ng Mindoro noong ika-17 na siglo, at nagkaroon ng maikling panahon ng hiwalay na lalawigan noong 1901, ang dumating ang mga Amerikano.

Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Marinduque ang unang isla na mayroong  kampo ng mga Amerikano, Ang Marinduque ang lugar na pinangyarihan ng “labanan sa Pulang-lupa”, na kung saan ang 250 sundalong Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Maximo Abad, ay nagapi ang maliit na bilang na 54 na mga sundalong Amerikano.  Si koronel Abad ay sumuko noong 1901

Makalipas ang apat na buwan, ang probinsya ang naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas (Quezon).

Noong ika-21 ng Febero, 1920, ang batas bilang 2280 na ipinasa ng batasang pambasa ng Pilipinas, ay ibinalik ang pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque.

Noong 1942, ang sundalong imperial ng hapon ay lumapag sa Marinduque.

At noong 1945, ang pinagsamang hukbong Amerikano at ng republika ng Pilipinas ay  sumalakay sa mga sundalong hapones at napalaya ang Marinduque noong ikalawang digmaang pandaigdig.


Kasaysayan ng Romblon

Bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang Romblon ay tirahan na ng mga Negritos mula sa Panay at mga Mangyan mula naman sa Mindoro, at sa huli ng mga tao mula sa Malay.  Pinaniniwalaang  tirahan na ang Romblon mula pa noong panahong Neolitiko dahil sa mga itim na batong adze na artipak na natapuan dito kahit pa ang pagpapatunay dito ay di pa sigurado.

Isa sa mga kwento ng pinanggalingan ng pangalan ng Romblon ay isang pangyayari na sinasabing naganap pagkatapos dumating ng mga Kastila.  Sinasabi sa kwento na isa sa mga Kastila ay naghahanap ng pagkain at nakakita ng isang kubo.  Nakakita siya ng isang inahing manok sa pugad malapit sa bintana, tinanong niya ang may-ari kung pwede nya itong makuha.  Di naunawaan ng batang babae ang sinabi nito kaya sumagot na lang ng “Nagalomlom” (Bisayan word for nagalimlim).  Dahil di nakuha ng lalaki ang manok, bumalik na lamang ito sa kanilang barko; at ng tinanong siya kung saan nangaling, ang isinagot  niya: “Nagalomlom”  Sa katagalan ito na ang itinawag sa isla ng mga kastila.  Sa pagdaan ng taon, “Nagalomlom” ay nabaluktot  sa “Lomlom” pagkatapos “Domblon” ant sa katapusan “Romblon,” na sa ngayon ito na ang pangalan ng probinsya.  Ang lugar na “Domlon” ay nabanggit ni Miguel de Loarca sa census noong 1582.

Ang Recoletos ng Augustinian ay nagtatag ng Kristianismo sa tatlong bayan – Banton, Romblen at Cajidiocan noong 1635.  Subalit ang mga nayon ay sinasalakay ng mga piratang Muslim.  Kaya, noong 1650, ang mga kastila ay nagtayo ng kuta sa Romblon at isa pa sa isla ng Banton.

Noong panahon ng  digmaang Pilipino at Amerikano, ang Romblon, bilang bahagi ng Capiz ay pinangasiwaan ni Heneral Mariano Riego de Dios, ang pinuno ng mga rebolusyonaryo ng Bisayas.
Sinakop ng mga Hapones ang Romblon noong 1942, hanggang sa ang probinsya ay napalaya pagkatapos ng labanan sa dagat ng Sibuyan noong Oktobre 24, 1945.

Ang pagwawakas ng digmaan ay tumatak sa pagpapanibago ng lugar.  Naibalik ang katayuan ng Romblon bilang probinsya noong 1947 at ang mga bayan nito ay naibalik noong 1940.

Kasaysayan ng Palawan

Ang kasaysayan ng Palawan ay makikita 22,000 taon ng nakalilipas na napatunayan ng pagkatuklas ng mga fossil ng mga Taong Tabon sa Quezon. Bagama't ang pinagmulan ng mga ito ay hindi pa napapatunayan, pinaniniwalaan na nagmula sila sa Borneo.

Marami ring salin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan na "Palawan". Pinaninindigan ng iba na nanggaling ito sa salitang Intsik na "Pa-Lao-Yu" na nangangahulugang "Land of Beautiful Harbors". Ang iba naman ay naniniwala nanggaling ito sa salitang Indiyano na "Palawans" na ibig sabihin ay "Territory". Sinasabi rin ng iba na nanggaling ito sa pangalan ng halaman na "Palwa". Ngunit ang pinaka-popular na paniniwala ay nanggaling ito sa salitang Kastila na "Paragua" dahil ang hugis daw Palawan ay kamukha ng payong na nakasara.

Bago pa dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng pamahalaan ang mga katutubo, alpabeto at sistema ng palitan sa mga "sea-borne merchants". Nang dumating na ang mga Kastila, ang hilagang bahagi ay natalaga bilang "Calamanes Group", ang timog naman ay nanatiling parte ng "Sultunate of Sulu" noong ika-16 na siglo.  Ang mga Kastila ay gumawa ng muog sa Taytay, na naiebedensyahan ng muog na tinawag na "Fort Santa Isabel", na itinalaga sa kabisera ng Calamanes noong 1818. Subalit, ang mga Amerikano na ang nagtatag ng lalawigang Paragua noong 1902, na ang Cuyo ang kaniyang kabisera. Sa huli noong 1905, ginawang Palawan ang pangalan at ang kabisera ay nilipat sa Puerto Princesa sa kapangyarihan ng RA 1363.

Palawan, isang napakagandang lugar upang magbakasyon kasama mga pamilya o kaya naman ang mga kaibigan. Maraming magagawa dito tulad ng scuba diving, pagtampisaw sa mga dalampasigan at ang nasali sa "7 Wonders of the World" ang Underground River ng Puerto Princesa.  

No comments:

Post a Comment