Pages

Wednesday, August 14, 2013

Salawikain

Salawikain

Ang mga salawikaing Pilipino ay mga matatandang kasabihan na ginagamit batay sa katutubong karunungan o kalinangan, mga kaisipan na nagmula sa buhay nga mga tao sa Pilipinas.

Ginagamit ang salawikain upang maipahiwatig ang karunungan o kaalamang natutunan mula sa mga naging karanasan ng mga ninuno, bilang isang paraan upang di makasakit ng damdamin mula sa tagapagpayo.

Makikita ang karagdagang kaalaman sa Tagalog Wikipedia

Mga Kasabihan at Salawikain (Tagalog Proverbs)

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. -
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda
Ang kalusugan ay kayamanan.
Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa kung mapaso
Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay lalong nagpupugay.
Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos.
Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
Huli man daw at magaling, naihahabol din.
Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim.
Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kung may isinuksok, may dudukutin.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Madaling sabihin, mahirap gawain..
Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
Maraming salita, kulang sa gawa.
Masakit ang katotohanan.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

Mga salitain o kawikaan (idiom)

ahas----taksil; traidor
alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
anak-dalita---mahirap
Bahag ang buntot - takot
balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
basa ang papel---bistado na
bukal sa loob---taos puso tapat
Bukas ang palad - mapagbigay
bungang-tulog---panaginip
busilak ang puso---malinis ang kalooban
butas ang bulsa---walang pera
buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
di madapuang langaw---maganda ang bihis
di makabasag-pinggan---mahinhin
Di maliparan ng uwak - malawak
haligi ng tahanan---ama
hampaslupa---lagalag, busabos
ilaw na tahanan---ina
isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
itaga sa bato---tandaan
itim na tupa---masamang anak
kabiyak ng dibdib---asawa
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Katas ng pawis - mula sa pinaghirapan
Kayod-marino - masipag
kidlat sa bilis---napakabilis
kilos-pagong---makupad,mabagal
Kumakalam ang tiyan - gutom
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti
maamong kordero---mabait na tao
mabigat ang dugo---di-makagiliwan
magdilang-anghel---magkatotoo sana
mahabang dulang---kasalan
Mahangin ang ulo----mayabang
mahina ang loob---duwag
maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali
makapal ang bulsa---mapera
makapal ang palad---masipag
makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
malakas ang loob---matapang
Malalim ang bulsa - kuripot
malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman
malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan
Mapait na kahapon - nakalulungkot na nakaraan
mapurol ang utak---bobo
masama ang loob---nagdaramdam
Mataas ang lipad - mayabang
matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig
Matalas ang ulo - marunong
matalas ang ulo---matalino
Matalim ang dila - masakit magsalita
May gatas pa sa abi - bata pa
May nunal sa paa - gala
nagbibilang ng poste---walang trabaho
nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga
nakahiga sa salapi---mayaman
namamangka sa dalawang ilog---salawahan
naniningalang-pugad---nanliligaw
pagiisang dibdib---kasal
pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan
Pusong mamon- maramdamin
pusong-bakal---hindi marunong magpatawad
Putok sa buho - anak sa labas
Salubong ang kilay - galit
sira ang tuktok---gago, luko-luko
Sumusulak ang dugo - galit na galit
Suntok sa buwan - baka sakali
Tagilid ang bangka - talunan
takaw-tulog---mahilig matulog
Tengang kawali - nagbibingi-bingihan
tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin
tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob
Walang tiyaga, walang nilaga

No comments:

Post a Comment