Pages

Tuesday, September 10, 2013

Kahulugan sa Tagalog

 Kahulugan sa Tagalog

Ampaw - (Ingles: rice puff o corn puff) ay ang pagkaing pinaputok at magkakadikit na mga butil ng mga naluto na bigas o mais. Kabilang dito ang kilalang papkorn, ang ampaw na mais.

Gusi – antigong banga ng kayamanan

Turban - ang pugong o turban ay isang uri ng sumbrero na isinusuot ng mga kalalakihan. Yari ito sa telang ipinupulot o ibinibilot sa paligid ng ulo. Kilala rin ito bilang gora na nakasuot sa ulo ng isang Muslim o taong Bombay. Kilala rin ito bilang putong at turbante.

Lakan – ito ay isang sinaunang katawagan sa mga maharlikang Pilipino bago ang panahon ng Kastila sa isla ng Luzon, na kung saan, ito ay nangangahulugan ng pinakamahalagang pinuno.

Lakambini – natatanging binibini sa isang lugar / paraluman / musa / diwata.

Taghoy - upang ipahayag ang kalungkutan para sa o tungkol sa isang bagay o tao.

Tinghoy - isang uri ng lampara noong unang panahon.

Mosque – sambahan ng mga muslim.

Sakat - isang somblerong dayame nang mga katutubong pilipino

Babang – luksa  / Pabanua - Ito ay isang pagdiriwang makalipas ang ika-isang taon ng pagkawala ng isang  kaanak, pamilyang namayapa o sumakabilang buhay

Kuwentong Bayan - ay mga sanaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.

Muog - Matibay na tanggulan, kuta ng mga tagapagtangol

Kunsensya / Konsensya - Mabait na paghatol mula sa mabuting asal at gawi o pamantayan.

Amihan - hangin mula sa Silangan

Habagat - hangin mula sa Kanluran

Salatan - hangin mula sa Timog

Kanaway - hangin mula sa Hilaga


No comments:

Post a Comment