Pages

Wednesday, July 13, 2016

Ano ang Disriminasyon

Ang diskriminasyon ay ang pagtatrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang lahi, kapansanan, kasarian o iba pang pampersonal na mga katangian.

Ang diskriminasyon ay maaring magpatama sa mahigit sa isang tao, o isang grupo. icon representing one personicon representing a group

Maaring mahirap na makita ito o maging isang bahagi ng isang sistema.

Ang diskriminasyon ay maari ring maging mga bagay na katulad ng paghihiganti, isang nilason na kapaligiraan, panliligalig o pagpo-profile ng lahi.



Bumabagtas na mga dahilan, na nangangahulugan na naiibang pagtatrato sa mga tao nang mahigit sa isang dahilan, halimbawa ay isang taong may kapansanan at bukod doon siya ay Itim

Dahil sa asosasyon - naiibang pagtatrato sa mga tao dahil ang isang kaibigan o miyembro ng pamilya ay kumikilala sa isang dahilan;

Nahihiwatigang mga dahilan - naiibang pagtatrato ng mga tao dahil sa isang paniniwala na kinikilala nila ang isang dahilan sa Alituntunin, ngunit ang katunayan ay, hindi nila gingawa ito.

Uri ng Diskriminasyon

Iba't ibang uri ng diskriminasyon ay ang:

Diskriminasyon sa lahi o kulay
Diskriminasyon sa reliheyon
Diskriminasyon sa kasarian
Diskriminasyon sa kabuhayan

Ano ang Bullying?

Paghahari-harian (bullying)

Ang paghahari-harian, pagmamaton o pambubulas (Ingles: bullying) ay isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig na binabanggit, pagsalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan. Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng pangmamaton ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "puntirya" o ang "pinupukol".

Ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri ng pang-aabuso – emosyonal, sinasambit, at pisikal. Karaniwang itong kinasasangkutan ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Ang paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba't ibang mga kaparaanan. Ang Nagkakaisang Kaharian ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan ng pagmamaton, samantalang ang mga estado ng Estados Unidos ay mayroon mga batas na laban dito.

Sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang hari) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay tinatawag ding pang-aabuso ng kauri o pang-aabuso ng kapantay na tao. Sinuri ni Robert W. Fuller ang pagmamaton sa diwa ng rankismo. Mayroon ding pagmamaton sa Internet.

Maaaring maganap ang pagmamaton sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan o nakikipagkapwa sa bawat isa. Kabilang dito ang paaralan, simbahan, mag-anak, trabaho, tahanan, at pamayanan. Ito ay isa ring pangkaraniwang dahilan ng pagtulak na nag-uudyok ng migrasyon. Maaaring umiral ang pagmamaton sa pagitan ng mga pangkat na panlipunan, mga klaseng panlipunan, at pati na sa pagitan ng mga bansa (tingnan ang jinggoismo). Sa katunayan, sa sukatang pandaigdigan, ang nawawatasan o tunay mga kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga nasyon, kapwa sa mga sistemang pang-ekonomiya at sa mga sistemang pangtratado o pangkasunduan, ay kadalasang binabanggit bilang ilan sa pangunahing mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Friday, July 8, 2016

Halimbawa ng Sanaysay 2

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)
ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon.

Halimbawa ng Sanaysay 1

Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago --

Isang madaling pangyayari ang pumasok sa anumang uri ng addiction, ngunit mahirap na sitwasyon ang paglabas sa ganitong uri ng kondisyon. Ang paghinto sa pag-inom ng alak ay isang mahirap na gawain. Kaya nga naiisip ko na ang mga taong nakakalabas sa ganitong uri ng bisyo ay maituturing na isang tunay na mandirigma. Ngayon, kung isa ka sa mga taong nagnanais na makahanap ng mga paraan upang malunasan mo ang iyong sariling bisyo, mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa sa 
sanaysay na ito.

Ang mga gawaing narito, na maituturing na simple at payak, ay maaaring makatulong sa iyo o sa isang taong malapit sa iyo upang makapagsimula na makamuhay ng normal na hindi alipin ng alak o anumang uri ng inuming nakalalasing. Hindi nga madali ngunit maaaring sa simula lamang. Kapag naipagpatuloy mo at nakalampas ka na sa mas mahirap na antas ng mga paraang ito, nakatitiyak ka na madali na lamang ang mga susunod na gawain.

Huwag kang sumuko. Maaaring ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong mga desisyon. Ang desisyon na huminto na sa pag-inom ng alak ay isang mabuting desisyon na siyang magiging daan mo sa tagumpay at pagkaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap.

Subukang alamin ang mga sakit na maaaring maidulot ng labis na pag-inom sa iyo. Tuklasin ang lahat ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay at ang mga problemang kaakibat nito. Isipin ang mga bagay na sumira sa iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Alalahanin ang mga aspetong hindi sana mangyayari kung hindi ka naglasing at hindi mo inabuso ang alak.

Kung malalaman mo ang mga bagay na negatibo tungkol sa alcohol at ang mga masasamang epekto ng labis na pagkonsumo dito, nakatitiyak akong makakapagdesisyon ka na upang itigil ang ganitong uri ng bisyo. Kailangan mong unawain at alamin ang lahat ng mga masasamang epekto nito sa buhay mo at sa mga mahal mo sa buhay gaya ng iyong pamilya.

Sa ganitong paraan, malalaman mo ang halaga ng iyong pagbabago. Mauunawaan mo rin nang lubusan kung bakit kailangan mo nang ihinto ang pag-inom. Makikita mo nang malinaw ang halaga ng iyong pagtigil sa pag-inom at ang mga bagay na maiiwasan mo kapag naging nabago mo ang iyong buhay.

Mahalaga na malaman mo na ang mga bagay na ito upang maging madali sa iyo ang pag-unawa na kailangang at dapat kang magbago sa panahon ngayon. Nasa sa iyong mga kamay ang ikapagbabago ng kalidad ng iyong buhay at pagkatao. Nasa sa iyong mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng iyong personalidad at hindi mo dapat na sinasayang lamang.