Pages

Tuesday, June 28, 2016

Bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang kakapusan?

Bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang kakapusan?

Ang kakapusan ay isang suliraning panlipunan dahil sa kadahilanang ang kakulangan sa mga bagay na pangkaraniwang ginagamit ng mga mamamayan ay magiging problema ng isang komunidad.

Ang kakapusan o kakulangan sa mga pagkain, damit at mga gamit na kailangan sa araw araw ay isang problema na kinakailangang harapin at bigyan ng solusyon nga lipunang kinasasangkutan nito.

Ang kakapusan ng mga bagay na kailangan ng tao ay nagiging dahilan ng isang kaguluhan sa mga pamayanan o lipunan.

Halimbawa ng kakapusan:

Kakulangan sa tubig dahil sa isang sakuna.

Kakulangan sa bigas dahil sa pagbaha, bagyo o pag-iimbak (hoarding) ng mga mamimili ng palay.

Sunday, June 26, 2016

Greenland - Madagascar - Borneo - Mt Everest - Mt Kilimanjaro - Sahara Desert - Himalayan mountain range - Andres Mountain Range - Arabian Peninsula - Scandenavian peninsula

Greenland: Taglog - Ang Greenland ay isang malaking Artikong pulo. Isa itong kasaping bansa ng Kaharian ng Dinamarkang nakalagay sa pagitan ng Dagat Artiko at ng Dagat Atlantiko, sa silangan ng Kapuluan ng Kanadyanong Artiko. Mayroon itong populasyon ng 50,000 mga naninirahan o residente lamang dahil sa malamig na klima. Karamihan sa populasyon ang nakatira sa katimugang bahagi ng pulo, sa mga baybayin. Ang kabisera ng Greenland ay Nuuk.

Republic of Madgascar: Tagalog - Ang Republika ng Madagascar o Madagaskar ay isang walang hangganang pulong bansa sa Karagatang Indiyan, sa labas ng silangang pampang ng Aprika. Ang Madagascar ang ika-4 na pinakamalaking pulo sa daigdig. Tahanan ito ng limang bahagdan ng mga specie ng halaman at mga hayop sa buong mundo, 80 bahagdan nito ang matatagpuan sa Madagascar lamang. Ilan sa mga halimbawa ng biyodibersidad ang mga pamilya ng mga primate na lemur at kanyang mga punong baobab.

Borneo: Tagalog - Ang Borneo ang ikatlong pinakamalaking pulo sa daigdig. May sukat itong 743,330 km² (287,000 mi²), at nasa pusod ng kapuluang Malay at Indonesia. Ang Borneo ay bahagi ng heograpikong rehiyon ng Timog-silangang Asya.

Mt. Everest: Tagalog - Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, kapag sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.

Mt.kilimanjaro: Tagalog - Ang Kilimanjaro kasama ang kanyang tatlong kono, Kibo, Mawenzi, at Shira, ay isang di-aktibong stratovolcano (strato-bulkan) sa hilagang-silangan ng Tanzania.Ito ay may taas na 4600 metro mula sa pundasyon nito (at tinatayang 5100 metro mula sa kapatagang malapit sa Moshi), at ito ang pinakamataas na tuktok sa Aprika sa 5891.8 na metro, na nagbibigay ng magandang tanawin sa kapatagan at sa paligid nito.

Sahara desert: Tagalog - Ang Sahara, "Ang Dakilang Ilang" sa diwang "Ang Malaking Ilang) ay ang pinakamalaking maiinit na ilang sa buong Daigdig. Mayroon itong higit sa 9,000,000 kilometro kwadrado (3,500,000 milya kuwadrado) na lawak, tinatakpan nito ang karamihan ng Hilagang Aprika, na halos katumbas ang laki sa Estados Unidos o sa lupalop ng Europa. Umaabot ang ilang mula sa Dagat na Pula, kabilang ang ilang bahagi ng baybayin ng Mediteraneo, hanggang sa dakong labas ng Karagatang Atlantiko. Sa patungong timog, hinihiwalay ito ng Sahel: isang sinturon ng medyo-tuyot na tropikal na sabana na binubuo ng hilagang rehiyon ng gitna at kanlurang Subsahariyanang Aprika.

Himalayan mountain range: Tagalog - Ang Himalaya, nangangahulugang "tahanan ng niyebe", ay isang bulubundukin sa Asya, na hinihiwalay ang subkontinenteng Indiyano mula sa Talampas ng Tibet. Sa pagpapahaba, ito rin ang pangalan ng malawak sistemang bundok na kinabibilangan ng Karakoram, ang Hindu Kush, at ibang maliliit na bulubundukin na umaabot sa Pamir Knot.

Andres mountain range: Tagalog - Ang Bundok ng San Andres ay isang bulubundukin sa timog-kanluran ng New Mexico na Estado ng Estados Unidos, sa bayan ng Soccoro, Sierra at Donya Ana.   Ang saklaw ay umaabot sa 75 milya (120 km) mula hilaga hanggang timog, subalit nasa 12 milya (19 km) lamang ang pinakamalawak.  Ang may pinakamataas na tuktok sa mga bundok ng San Andres ay ang Tuktok ng Salinas na may taas na 8,965 na talampakan (2,733 m).

Arabian peninsula: Tagalog - Ang Tangway ng Arabia, Arabia, Arabistan, at ang kabahaging kontinento o subkontinenteng Arabo ay isang tangway o peninsula sa Timog-Kanlurang Asya na nasa hugpungan ng Aprika at Asya. Isang mahalagang habagi ng Gitnang Silangan ang pook at may isang importanteng papel na heopolitiko dahil sa kanyang maraming reserba ng petrolyo o langis at likas na gas. Sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, ayon kay Jose Abriol, may pook na Evila o Havilah ang tawag at pinaniniwalaang tumutukoy sa Arabia.

Scandenavian peninsula: Tagalog -  Ang Tangway ng Eskandinabya ay isang heograpikong rehiyon sa hilagang Europa na binubuo ng Noruwega, Suwesya at hilagang bahagi ng Pinlandiya. Ang pangalang Eskandinabya ay hango sa ngalang Scanaia, isang rehiyon sa pinakatimog na bahagi ng tangway. Ang tangway ng Scandinavia ay ang pinakamalaki sa Europa.

Ang relasyon ng tangway ng Scandinavia sa mas malaking Fennoscandia
Ang tangway ng Eskandinabya ay ang pinakamalaking tangway sa Europa. Ito ay humihigit kumulang na may 1,850 kilometro (1,150 milya) ang haba na may lawak na may iba't-ibang kasukatan sa pagitan ng 370–805 km (230-500 mi).





Friday, June 24, 2016

Elehiya sa Kamatayan ng Aking Kuya

Elegy on the Death of my Brother
Bhutan, September 3, 2010
Isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima

Hindi pa panahon!
Sa gulang na dalawampu't isa, na punong-puno ng buhay.
Malungkot niyang paglalakbay, ngayo'y hindi na matanaw.
Panganay na anak, taglay ang hindi na mabilang na pangarap.
Sa gitna ng di natupad na pangarap at di naipadamang pag-ibig.
Natapos na ang burol.
Sa gitna ng makulimlim na panahon.
Paniwalaa't dili, may pagkabagabag at panghihinayang.

Ano ang tanging naiwan
Nakakuwadradong mga larawang-guhit, poster at kinunang larawan.
Aklat, talaarawan at mga damit.
Wala nang dapat pang ayusin,
Isang ulilang teheras.
Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran.
Ang maamong mukha, ang malamyos na tinig.
Ang matinis na halakhak,
Mga ligayang di-malilimot.

Patuloy ang pagdarasal
Kasama ang pagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang walang hanggang pagpapahinga
Mula sa di mabilang na mga taon ng paghihirap
Sa pagtuklas ng karunungan naging mailap,
Sa paghanap ng magbibigay-katuparan sa pinakamimithing edukasyon,
Luha'y natuyo, lakas ay pumanaw.
Ano ang kinahantungan
Ang hiram na buhay, tuluyang nawala!

Pema, ang imortal na pangalan.
Mula sa nilisang nangungulilang tahanan
Walang naiwan, ni imahe, ni anino, ni katawan!
Balana'y nagluksa at nagsisiyukod,
Maging pananim ay kumakaway ng pamamaalam, ang tag-araw tahimik na tumatangis.
Ganoon din ang lahat ng nag-alay ng dakilang pagmamahal,
Ang isang anak ng aking ina, kailanma'y hindi na masisilayan pa
Ang katuparan ng minimithing pangarap!

Elehiya kay Ram

ELEHIYA kay RAM
ni Pat V. Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.

Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw'y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.

Ay, kaylamig ng sementadong mga baytang
Ng gusali ng finance at turismo
Habang pinatnubayan ka ng bilog na buwan
At nagkikislapang mga bituin sa pagtulog mo.
At bukas, at susunod na mga bukas, tulad ng maraming bukas
Iyon at iyon din ang araw na sasalubong sa iyo.
Nakangiti ngunit may pait
Mainit ngunit may hapdi
May kulay ngunit mapusyaw
Paulit-ulit, pabalik-balik
Pabalik-bai, paulit-ulit
Ang siklo ng buhay na kinasadlakan mo.

At isang imbensyon ang iyong nalikha
Kayraming sa iyo ay lubusang humanga.


Mula sa teoryang laba-kusot-banlaw-kula-banat,
Napapaputi mo ang nag-iisang polong puti
Sa tulong ng mga dahon.
Napapaunat mo ang nag-isiang polong puti
Sa ibabaw ng mga halaman.


Napapabango mo ang nag-iisang polong puti
Sa patak ng alcohol.
Laba-kusot-banlaw-kula-banat.
Laba-kusot-banlaw-kula-banat.
Laba-kusot-banlaw-kula-banat.

At habang hinahanap mo ang nawawala mong ama
Upang may mahingan ka ng pambili ng libro
O magsabit ng mga medalya sa dibdib mo
Kayrami naming naging ama-amahan mo.
Habang ang iyong ina'y nag-aalok ng kendi't sigarilyo
Upang may maiapabaon sa iyo
Kayrami naming naging ina-inahan mo.
Habang namimighati ka sa harap ng kapatid mong
Pinaslang sa Aristocrat,
Kayrami naming naging kuya-kuyahan mo.
Habang naghahanap ka ng mga taong kakaibiganin
Upang magbahagi ng iyong karanasan
Kayrami naming naging kaibigan mo.
Sa PNU sumibol ang mga bagong ate mo.
Sa PNU nalikha ang mga bagong kuya mo.
Sa PNU nabuo ang bagong pamilya mo.

Ay, ang uniporme pala'y napapuputi ng mga dahon
At napauunat ng mga halaman;
Ay, ang kalam ng sikmura pala'y napabubusog
Ng pagtakam at pag-idlip;
Ay, ang pagbabasa pala'y may hatid-tulong mula sa poste ng Meralco
Habang nakatayo ka't tangan ang libro;
Ay, ang sakit pala'y napagagaling
Ng magdamag na paglimot;
Ay, ang paliligo pala't paggamit ng banyo
Ay may katumbas na piso;
Ay, ang pangungulila pala'y nahahawi
Ng pag-awit at pagsulat.
Umaawit ka't sumusulat
Sumusulat ka't umaawit.
Habang ang titik na nalilikha'y
Walang himig ng harana
Walang tinig ng kundiman
Walang indayog ng oyayi.

At ang mundo mo'y nabago ng pag-ikot
Ikot pakaliwa, ikot pakanan
Ikot paitaas, ikot paibaba
Ikot papaloob, ikot papalabas
Pangalan mo'y parang bulaklak na humahalimuyak
Simbango ng pabango mong iwiniwisik
Sa katawan mong walang pilat
Binabanggit-banggit saan mang lugar
Sinasambit-sambit ng mga guro't mag-aaral.
Ilang bituin s alangit ang hinangad mong sungkutin
Ilang saranggola sa ulap ang ninais mong maangkin
Kung ang mga bituin sana'y di nagkulang ng kinang at ningning
Sana, kahit kometa'y ilalatag ko't sa mga palad mo'y aking ihahain
Kung ang saranggola sana'y di dinagit ng hangin
Sana guryon itong sabay nating bubuuin.

Ay, wala na.
Tuluyan nang naglaho ang kinang at ningning ng mga bituin.
Tuluyan nang humalik sa lupa ang saranggolang dinagit ng hangin.
Sa paglalakbay mo,
Ang naiwan sa amin ay isang blangkong papel
Di naming matuldukan upang mapasimulan ang isang pagguhit.
Di naming maguhitan upang maitala ang maraming katanungan.
Di namain matanong upang hingan nang kalinawan.
Sana, sa paglalakbay mo'y makahuli ka ng mga sisiw
Sana, sa paglalakbay mo'y may matanggal na piring
Sana, sa paglalakbay mo ay may timbangan kang maaangkin.

At kapag natupad ito
Kaming mga nakasama mo
Kaming mga nagmahal sa iyo
Ay lilikha ng bagong himno ng paglalakbay
Isang himnong ang mga titik ay kalinisan ng puso
Isang himnong may himig ng pananagumpay
Dahil para sa amin,
Ikaw ang himno
May puso kang malinis
Kaya't dito sa lupa'y ganap kang nagtagumpay.
Sa kabilang buhay, ikaw pa rin ang magtatagumpay.

Elehiya Sa Isang Martir

Elehiya Sa Isang Martir
MARCH 15, 2010
BY DENNIS RAYMUNDO


Ikaw, gaya ng ibang bayani,
ay nag-alay ng buhay
sa panawagan ng bayan.
Pero walang lawrel
para sa’yo, isang di iniyakang sundalo.
Sa paninindigang walang dangal.
maglalaho ang lahat
para sa wala.

Habang ika’y nakahimlay dito
na isang kahihiyan
Ang sakripisyo’y di pansin.
Ang mga bata
na kinakahon ng akademya
Kapag ika’y natumba sa labanan,
Hindi nila malalaman.
Sila, na parang masayang ibon
Umaawit, pero hindi para sa’yo


Ni walang bulaklak
walang tinig ng papuri
sila, na balang araw
ay sasama rin sa’yo sa kawalan
Isa ka lamang anino
ng isang maikling buhay,
ng tagsibol na hindi dumating
at ang naratibo mo’y umiikot
na parang tuyong dahon
sa isang maliit na ipo-ipo

Umasim na ang kapayapaan ng kalangitan
Nangitim na ang mukha ng ulap
huminto na ang galit ng ihip ng hangin.
Sila rin ay tinalikuran ka.
Hindi mo ito kasalanan
Hindi nila ito kasalanan
Walang kahit sinong may kasalanan.
Lahat tayo’y may kasalanan.

Elehiya sa Sundalo

Elehiya sa Sundalo

Sundalo ng kapayapaan
Sundalo ng kagitingan
Sundlo ng pagkapantay-pantay
Sundalong subok na ang tibay
Sa gitna ng laban humahanay
Ang mabuhay o sa mamatay.

Sa pamilya'y nagawang tumalikod
Sukdulang lisanin sariling bakod
Upang ikaw lang ay makapaglingkod
Bagama't maliit lang ang sahod
Sa laot ng digma ay gumaod.

Sumulong, matapang na mandirigma
Barilin silang mga libugha
Kaaway ng bayan dapat mapuksa
Dugo'y dumanak sa sariling lupa
Mapa-kalahi man o 'sang banyaga.

Ah, sundalong buhat sa anak-pawis
ng dugo mo ang laging natitigis
Habang mataas na puno'y bungisngis
Nas harap ka at nagigiyagis
Sa mga kalabang ubod ng bangis.

Ngunit kanino ka nga ba nakikipaglaban
'Di ba't sa tulad mong iniluwal sa kahirapan?
Na adhika'y baguhin ang patakaran
Anila'y sistema ng kabulukan
Na nagpapalugmok sa sambayanan.

Ngunit ikaw adika mo ay kanino?
Para ba sa bayan o sa iilang tao?
Ano'ng itataga mo sa bato?
Mga adobe't tigas ng prinsipyo
Dumudurog sa bayag n'ya't bayag mo.

Sa bayan ano ang tanging pangarap?
Para sa ngayon at sa hinaharap
Niyayakap mo an glambong ng ulap
Sa digmaan na wala ng sasaklap
Na likha ng pagkakawatak-wtak.

Salamat, sundalong taga-pagtanggol
Habang natutulog kaming tila sanggol
Habang unti-unti kang nasusukol
Kawal na palaging napaparool
Sa digmaang malaon ng sumibol.

Ngayong ganap ng nasalanta ikaw
Lupang uhaw dugo mong titighaw
Dinig pa balang umaalingawngaw
Digmaan ay sadyang 'di huhulaw
Hangga't kapangyariha'y 'di naaagaw.

Thursday, June 23, 2016

Limang Rehiyon sa Asya

Limang (5) Rehiyon sa Asya

1. HILAGANG ASYA ( NORTH ASIA) • KILALA RIN BILANG CENTRAL ASIA O INNER ASIA • Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia.

2. SOUTHWEST ASIA (KANLURANG ASYA) • Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.

3. SOUTH ASIA ( TIMOG ASYA) • Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.

4. SOUTHEAST ASIA ( TIMOG-SILANGANG ASYA) • . Ang Timog-Silangang Asya ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor).

5. EAST ASIA ( SILANGANG ASYA) Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.

Wednesday, June 22, 2016

Regina Coeli - Pasyon - Dios te Salve - Exsultet - Pastores de Belen

Regina Coeli - Pasyon - Dios te Salve - Exsultet - Pastores de Belen

The Regina Cæli or Regina Cœli ("Queen of Heaven", in ecclesiastical Latin) is an ancient Latin Marian Hymn of the Christian Church.

It was one of the four seasonal Marian antiphons of the Blessed Virgin Mary, prescribed to be sung or recited in the Liturgy of the Hours at the conclusion of the last of the hours to be prayed in common that day, typically night prayer (Compline or Vespers). Any one of these four or of other suitable antiphons may now be sung at any time of the liturgical year. The Regina Coeli is sung or recited in place of the Angelus during the Easter season, from Holy Saturday through Pentecost.


The Pasyón (Spanish: Pasión) is a Philippine epic narrative of the life of Jesus Christ, focused on his Passion, Death, and Resurrection. In stanzas of five lines of eight syllables each, the standard elements of epic poetry are interwoven with a colourful, dramatic theme.

The uninterrupted recitation or Pabasa of the whole epic is a popular Filipino Catholic devotion during the Lenten season, and particularly during Holy Week.


Dios te Salve - It means, God save you. Or God saves you.


The Exsultet (spelled in pre-1920 editions of the Roman Missal as Exultet) or Easter Proclamation, in Latin Praeconium Paschale, is the hymn of praise sung, ideally by a deacon, before the paschal candle during the Easter Vigil in the Roman Rite of Mass. In the absence of a deacon it may be sung by a priest or by a cantor. It is sung after a procession with the paschal candle before the beginning of the Liturgy of the Word. It is also used in Anglican and various Lutheran churches, as well as other Western



Pastores de Belen (Spanish for "Shepherds of Bethlehem") is a traditional dramatic representation of the shepherds' adoration of the Christ-Child. Singing and dancing from one house to another is usually part of the ritual, though in Cavite and Bulacan the presentation is done on stage or in the churchyard. The actors playing the shepherds are usually children or women, and usually they wear costumes. In Bicol, the pastores are especially colorfully dressed. Most of them are female and wear full skirts, round-necked blouses with puffed sleeves, and wide-brimmed hats. The men and boys wear long-sleeved shirts, breast and waist bands, and decorated hats. The entire group is dressed in one color -- either red, blue, or green. They are accompanied by a band and go from house to house singing Spanish and Bicolano carols while dancing, and are given money and food by homeowners. Pastores contests are held on stage in Legazpi, Albay to keep this tradition alive.

Farm machine and implements

Farm machine and implements

Native Plough



Native Harrow

Harrow


Harvester rice


Rice Planter

Tractor 


Hand Tractor



Nemo, ang Batang Papel

Nemo, ang Batang Papel

Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop.

Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo.

Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus.
Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila!

Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata.

“Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!”

Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin sa langit.

Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling.

“Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!”

Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan.

Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi pero totoong bahay.

“’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay. “Magtrabaho kayo!”

Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay.
Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya.

Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa mga kotse.

Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya.
Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si Nemo ng libro.

“Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro.

“Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa.

“Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara.

“Alis diyan!”

Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya.

“’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo.

Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata.

“Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo.

Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Naghahagikgikan. Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng kanilang mata.

Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan. Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi, nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang lansangan, mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan.
Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, at sapat na pagkain.

Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat ng ito.

“Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.”

Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada.

Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada.

Mula sa: Ang Gintong Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. (1998). Maynila:

Tahanan Books for Young Readers.

Monday, June 20, 2016

Mina ng Ginto - Alamat ng Baguio

Mina ng Ginto
Alamat ng Baguio
                               
         Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.

      Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at  may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.

         Kung nagdaraos sila ng cañao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.

Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.

          Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.

          Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.

           Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.”

          Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.

          Ipinagbigay-alam sa lahat  ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman  ay naghanda ng masasarap na pagkain.

          Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.

         Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata  sa kanilang nakita. Sila’y natakot.

          Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.

         “Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.

          Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”

          Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.

          Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo  ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.

         Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas  hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.

          Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga  at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”

          Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang  puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal  ang punungkahoy  ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.

          Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”

          At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Friday, June 17, 2016

Anim na Sabado ng Beyblade (Buong kwento)

Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin
This essay won Second Prize for Sanaysay in the 2005 Palanca Awards

Beyblade, maraming-maraming beyblade. Isa, dalawa hanggang lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim, asul, berde, pilak, ginto, dilaw – basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik o bakal, basta may beyblade na mabibili ‘pag sabado. Inaasahan ko na ito tuwing sabadong magkikita kami ng aking bunsong si Rebo. Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya naman inihahanda ko na ang aking bulsa. May halagang 30 hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari. Inihahanda ko na rin ang katawan ko dahil tiyak, mas karga ang gusto niya papunta sa paboritong tindahan sa talipapa ng aming baranggay. Mga 500 metro rin ang layo mula sa bahay ng aking ina kung saan kami nagkikita tuwing sabado. Magpapababa lang siya kapag mismong nasa harap na kami ng tindahan at kaya na niyang ituro at hawakan ang paboritong laruan. Palapit pa lang kami ay sasalubong ng nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama. Alam na ang iskedyul ng aming pagpunta. Handa ng magturo ng mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo. Mas una kasing tinitingnan ni Rebo ang kulay at disenyo. Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa karanasan, mas makiling si Rebo sa plastik.Kung ihahambing sa pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak-trakan man o kotse-kotsehan), mas madalas niyang laruin ang Beyblade. Siguro’y dahil mas maliit itong di hamak sa trak-trakan o kotse-kotsehan. At di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin lang sa bulsa. Kay Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa bulsa ko, kapag may hawak na siyang Beyblade na “panlaban,” tiyak ding kamay na lang ang laman.Patagalan ng pag-ikot sa loob ng platapormang bilog ang labanan ng Beyblade. Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa karanasan, madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di tulad ng ibang batang madalas mawalan ng gana dulot ng pagkatalo, patuloy ang paglaban ni Rebo. Lalo niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na pising may mala-lagareng mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang pisi palabas mula sa makipot na butas ng patungan na magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na Beyblade pabagsak sa plataporma upang muling makipaglaban.Apat na sabadong nakipaglaban ang aking bunso ng Beyblade sa plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng karamdaman. Sa katulad kong guro, bakasyon ang Abril. Sa katulad ng bunso kong mag-aapat na taon, panahon ito ng mas maraming nakakatandang pinsang makakalaro. Huling linggo ng Marso taong 2003, nang lagnatin siya ng isang linggo. Matapos ang lagnat, ilang araw na di nagkakain at tuluyang namutla, pagsapit ng unang sabado ng Abril ng aming pagkikita, halos ayaw na niyang magpababa mula sa pagkakakarga dulot ng madaling pagkapagod. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga pasa. Una’y sa binti, tapos sa braso, hanggang matagpuan na rin ito sa kanyang paa, dibdib at hita. Ang kanyang labi’y parang ibinabad na sa suka. Klinika, ‘yung pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip ko. “Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag kung kinakailangan, pangalanan niyo lang ang mga sintomas na nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang gustong-gusto kong sabihin sa unang doktor na titingin sa aking anak. Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at pangungutang, tatlong doktor at dalawang klinika, pagpapamanhid sa sarili upang di matinag sa palahaw ng tinutusok na anak ay di pa rin namin nalaman ang pangalan ng kanyang karamdaman.Mabilis na tibok ng puso na di normal sa kanyang edad. Kulang sa dugo. Mga tanging interpretasyon ng mga doktor. Mga interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri ng mas dalubhasa. Marami pang pagtusok at palahaw. Kirot at nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan ng mga magulang at iba pang nagmamahal.Mabigat, subalit pinatatag ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib sa pagkakatayo sa loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangangg nakahanda ako. Palibhasa’y pinakamalaking pampublikong ospital ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong kinabibilangan ng kanyang ina. Mahabang pila ng “Hospital Card” na magsisilbing pasaporte upang makausap ang doktor na mas dalubhasa sa nararamdaman ng aking anak. Nung araw na iyon, ayaw bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari din naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang gusto niya, si Taytay lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko ang kanyang Ate Kala gamit ang libreng kamay. “Kasi sabado, di dapat agad matapos ang sabado. Di dapat mawala agad si Taytay dahil maghihintay na naman ng panibagong sabado o araw na tatapatan ng kanyang suweldo bago siya muling makita. Di bale nang mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw. Basta si Taytay lang muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan, kakalaruin, pabibilhin ng “Ays Wis” (ice cream) at “Babuygyam” (bubble gum) at hihigaan sa dibdib kasi sabado pa!” Alam ko, ito ang mga eksaktong salitang nais niyang sabihin kung kaya lang idetalye ng kanyang murang isip at bigkasin ng kanyang bulol na dila nung araw na iyon.Mag-iisa’t kalahating taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang magkasakit si Rebo. Maraming di mapagkasunduan. Magkaiba ang direksiyong tinitingnan. Idagdag pa ang madalas na kawalan ng pera. Resulta ng maaga at di handang pag-aasawa. Ayaw ko nang idetalye pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga nakalipas na inilibing ko na sa lupalop ng mga kinalimutang gunita. Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan ang di pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na ‘yung panahon na mag-isa na akong namumuhay sa ayaw-ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman ni Joida sa bahay ng kanyang Ina’t kapatid. Pinalad na akong makapagturo sa isang prestihiyoso at malaking pribadong paaralan ng mayayaman at makaranas na ng paghugot ng sapat ng sahod sa ATM. At di tulad ng ibang amang nag-iwan-ng-tae ang konsepto ng pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking “dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa pagpapalaki ng aking dalawang anak at magtira na lamang sa sarili ng sapat para mabuhay ng may konting inom ng alak. Mahal na mahal ko ang aking mga anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang pagmamahal para ipananggalang sa pag-atake ng malubhang sakit.“Acute Lymphocytic Leukemia”. Mas kilala sa tawag na “ALL”. Tipikal na uri ng Leukemia sa mga edad na tulad ng kay Rebo. Chemo Theraphy ang tanging paraan ng panggagamot. Mahabang panahon ng gamutan. Induction, Consolidation, Maintenance stage. Tatlong estado ng panggagamot. Anim, apat, pababa sa isa na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan ng aking anak. Mga drogang papatay sa mga “Cancer Blast” na namumuo sa loob ng kanyang katawan. Mga drogang walang mata at maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-loob na pagmumulan ng komplikasyon.Dalawang linggong singkad na kaming nasa ospital bago nagkaroon ng pangalan ang kanyang karamdaman. Hindi na kami nakaalis mula sa unang araw na kami’y nagbalak lang magpatingin at umasang sabihan na ang kailangan lang niya ay mga gamot na magdadagdag ng kanyang dugo. O kaya’y magpapatibok ng normal sa kanyang puso.Nakakabingi ang pagragasa ng mga eksakto ng detalye at interpretasyon. Subalit pinilit kong ipasok lahat sa aking utak na unti-unti na ring namamanhid ng mga oras na iyon. Mabilis na humilera sa isip ko ang larawan ng mukha ni Rebo na punompuno ng kirot mula sa araw-araw na pagtusok ng karayom tuwing kukuhanan at sasalinan ng dugo. Tutusukin sa braso, paa, balakang, kamay, at kahit saan pang parte na mayroong ugat na di pa namamaga at maaari pang daluyan ng dugo. Larawan ng puro pasang si Rebo. Maliit at malaking pasa, mapupula at maiitim na pasa. Larawan ng nakakalbong si Rebo. Nang nalalagasan ng buhok na si Rebo. Larawan ng mga lagas na buhok na nililipad ng hangin at di mo alam kung saan papadparin. (Sa kalaunan, nangyari ang lahat ng ito.)Teorya ng radyasyon o kaya’y namanang sakit? Parehong di tiyak. Pinakasimpleng paliwanag, di tumanda ang butong dapat lumikha ng sapat na dugo upang mabuhay ng malusog ang aking anak. Hindi sumabay sa kanyang pagtanda. Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo! Walang magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito. Isa lang ang malinaw: hindi pagtatae o lagnat ang nararamdaman ng aking anak, unti-unti na palang siyang namamatay.Naaalala ko pa, di ko mapigilang maluha sa loob ng taxi habang ingat na ingat na hawak ko ang lalagyan ng dugong ipasusuri sa isang malayo at malaking laboratoryo. Lubha akong nagmadali nung araw na iyon. Kailangang di mapanis ang dugo. Kakaiba ang dugo dahil kinuha pa sa likuran ni Rebo. “Cultured Blood” ang tawag nila. Isipin ko pa lang ay parang baretang sumaksak sa dibdib ko ang sakit na tiniis ng aking anak makuha lang ang pesteng dugo na tanging magpapakilala ng kanyang karamdaman. Apat na kaming pumigil sa kanya maiporma lang ang katawan niya na tila hipon upang matusok at daluyan ng dugo ang ugat niyang malapit sa buto ng kanyang likuran. Ako, ang kanyang ina, ang doktor at ang nars, kung tutuusin ay kulang pa kami sa lakas ng kanyang piglas, animo’y kakataying baboy ang kanyang palahaw. “Wa n’yo ko ‘awak! Wa n’yo ko ‘awak! Taytay! Naynay! Wa n’yo ko awak tabi!” ( ‘Wag n’yo ko hawak! “Wag n’yo ko hawak! Tatay! Naynay! ‘Wag n’yo ko hawak sabi!) Wala na yatang pinakamasakit pang pakiramdam ang maaaring maranasan ng mga nagmamahal sa tanawing pisikal na nasasaktan ang iyong minamahal. Idagdag pa dito ang tila pagtulong mo upang lalo siyang masaktan. Subalit walang ibang paraan. “Putang-inang sakit ‘yan! Putang-inang dugo ‘yan! Putang-ina n’yong lahat!” Gustong-gusto kong isigaw ang mga ito subalit pinili ko na lang na itago sa aking utak at dibdib. Ayaw ko nang magdagdag ng hirap. Ayaw ko nang magdagdag ng sakit. Dahil alam kong simula sa araw na iyon, di ko na kailangang imbitahin pa ang hirap at sakit. Kusa na silang darating.Tatagal kami sa ospital. Isang buwan, dalawa, apat, di ko alam kung gaano karami basta sigurado ko, tatagal kami. Paulit-ulit kong isinaksak ang isiping ito sa aking utak. Nais kong makapaghanda, “gagaling si Rebo, lalakas si Rebo, di mamamatay ang aking anak!” Kailangang maging handa. Kailangang laging handa. Kailangan dapat handa!“Tapos po ako ng pagtuturo kaso wala pa ring mapasukan.” “Sabagay, kahit magtuturo ka ngayon, di mo kakayanin.” “Oo nga po e.” “Di mo ba kaya kahit ‘yung tig-tatatlong daan lang na kuwarto isang araw?” “Hindi po talaga kaya e.” “Sige, ipakita mo na itong papel sa opisina ng Social Services. Doon sa bandang kanan.” “Salamat po! Maraming salamat!”Kailangang magpanggap, magsinungaling, mapunta lang si Rebo sa Charity Ward ng ospital. Dito, kahit paano, kutson ang mahihigaan ni Rebo, di hamak na mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng Emergency Room. May telebisyon pa. Suwertehan nga lang kung ‘yung gusto niya ang palabas. Marami kasing nanonood. Mga maysakit (malubha hanggang sa pinaka-malubha), taga-pagbantay ng may sakit (mula sa nagtatawanan, umiiyak o simpleng tulog), mga dumadalaw sa maysakit (mula sa nagmamadali hanggang sa nagtatagal). Lugar ng mga sakit na kitang-kita sa lahat ng aspekto ng pagkatao ng mga naroroon. Mga taong galing sa maralitang bahagi ng lungsod. Sa pinakamalapit hanggang pinakamalayong probinsiya ng bansa. Lahat umaasang dito gagaling. Lahat naghihintay ng tulong sa mga kilala at ayaw magpakilalang pilantropo na paminsan-minsang dumadalaw. Lahat kapos sa pera kahit simpleng pambili man lang ng pinakamurang ineksiyon. Sa lugar na ito, libre man ang higaan at pagkain, kailangang mong bilhin ang lahat ng gamot at kagamitang kakailanganin sa gamutan. Ako, totoong may trabaho, subalit kailangang nandito kami upang makatipid. Walo, pito, anim na libo ang halaga ng gamot ni Rebo lingo-linggo. Di pa kasama ang halaga ng mga ineksiyon, dextrose, mga tubo, espesyal na pagkaing malimit niyang hilingin, bayad sa laboratoryong wala sa loob ng ospital na nagsusuri sa kanyang dugo hanggang sa pamasahe. Mapurol ka man sa matematikal na kaalaman, dito, tiyak na tatalas ka, lalo na sa pagkukuwenta ng pera at malalim na buntong-hininga. Matututo ka ring mang-uri ng tao. Tahimik at maiingay na katabi, palabigay at palahingi. Masusungit at masayahing nars. Suplado at madaling lapitang doktor. Matalino at tangang intern ( na nakawalong tusok na sa anak ko ay di pa rin makagpalabas ng dugo. Madalas kong mamura ang ganito ) Mga walang pusong Laboratory Technician na ayaw tumanggap ng konting dugo kahit na aprubado ng doktor ang dami, ( “Anong akala n’yo sa dugo ng anak ko? Tinatabo sa balde?! Tang-ina n’yong lahat!” ) at kalma at halos masisiraan ng ulong kapamilya dulot ng depresyon. Ang mga maysakit, konsistent sa pag-iingay. Pagsigaw man o palahaw, halong bata at matanda, kung meron mang tahimik sa kanila. ‘yun ‘yong mga may pasak ng tubo sa bibig. Si Rebo, basta’t nakalagpas na ang ritwal ng pagtusok at pagkuha ng dugo, ang pinakamalikot at makulit. “Alisin na ang dextrose sa pagkakasabit! Mamamasyal na ako sa mga kutsong kalapit!” Kaya’t madalas, binibiro siya ng mga naroroon, “’wag ka na dito, wala ka naming sakit, e!” Madalas din niyang gantihan ang birong ito ng pag-irap, pagdila at ibayo pang pangungulit. Kaya’t wala pang isang buwan, wala ng di nakakakilala sa Charity Ward kay Rebo bulol at kulit.Tulong. Laksa-laksang tulong. Kahit anong uri ng tulong ang kinailangan ko para mabuhay ang aking anak. “Ma, nagpadala na ba ang Tita Naida? E, ang Lola Conching?” “Kap, salamat sa pera ha!” “Kagawad, paano nga uli pumunta ng Sweepstakes office? Salamat nga pala uli dun sa mga koleksiyon sa mga zone leader. Napaiyak pa pala si mama sa harap.” “Tita Marylyn, bayaran ko na lang ‘pag nakaraos” “Ano?! Galing ‘to sa koleksiyon ni Tita Jean sa mga estudyante?” “Tita Vic, dito muna si Kala ha! Di puwedeng umalis si Joida sa ospital, e” “Kala, ‘wag malikot ha! Behave ka dito!”“Tol, nasabihan mo na ba ang tropa? Konting dugo lang naman ang kukunin para pamalit.” “Mga P’re, salamat ha! Inom na lang tayo next time. Kain na muna kayo ng ampalaya.” “Mam, sir, absent po ulit ako ngayon, kailangan po kasi ako sa ospital. Salamat po pala sa tulong ng Faculty Club at iba pang department.” “Sige po. Okay lang I-pray over si Rebo sa ospital. Hintayin namin kayo.”Di kami nabigo, maraming nagmamahal at dumamay. Di man ako magtanong, laging maraming tugon ng pagtulong. Paraiso sa gitna ng ilang, tubigan sa gitna ng disyerto.Umabot pa kami ng limang buwan sa loob ng ospital bago narating ni Rebo ang pinakahuling estado ng gamutan, ang “Maintenance stage.” Setyembre na noon. Ibig sabihin, minsan isang buwan na lang siya babalik sa ospital para magpa-chemo. Tatlong taon ang itatagal ng estadong ito. Sa panahong ito, nakapagdiwang na ang aking anak ng kanyang ikaapat na taon at unti-unti nang tumutubong muli ang buhok sa kalbo niyang ulo. Lubusang gagaling ang anak ko pagsapit niya ng ika-pitong taong gulang. Tamang-tamang edad sa pag-aaral. Tiyak kong hindi na siya bulol sa panahong ito.Sa labas ng ospital nagmistulang batang walang sakit ang aking si Rebo. Laro dito, laro doon. Kain dito, kain doon. Maliban na lamang sa pagkakataong kailangan naming bumalik sa ospital para sa sesyon ng Chemo Therapy. Tuwing matatapos ang sesyon, tatlong araw na lantang-gulay ang anak ko. Walang gustong lunukin kundi malamig na tubig. Walang gustong kagatin kundi yelo. “An ini ‘tay nan aawan o!” (ang init ‘tay ng katawan ko!) Suka ng suka at todong bugnutin. Ayaw ng maingay. Ayaw ng magulo. Iritado. Pero pagdating ng ikaapat na araw. Balik na sa normal ang lahat. Gigising ng maaga, sasamang maghatid at susundo sa kanyang Ate Kala sa eskuwelahan. Makikipaglaro sa kanyang Ate Kala pagkauwi nito galing sa pag-eeskuwela. Subalit ang pinakagusto niyang gawin, ang humiga lamang sa sofa at manood ng manood ng pambatang palabas sa telebisyon.Bukod sa pagkikita tuwing sabado at sa mga araw ng suweldo, pagtawag araw-araw, umaga at hapon ang komunikasyon ko sa aking mga anak. At madalas na hintayin ito ni Rebo. Maliban na lang sa tuwing dumarating ang “tatlong araw na pasakit” ng Chemo Therapy. Tsamba na lang kung nais niya akong kausapin. Madalas kong itanong sa kanya kung magaling na siya at sasagutin niya ito ng malakas na “Magaying na!” (magaling na!) Pinapangako ko rin siya na ‘wag kaming iiwan ng kanyang Ate Kala na sinasagot niyang madalas ng “ayoo na!” (ayoko nga!) Subalit minsan, pabiro siyang sisigaw sa kabilang linya ng “ Us-o o na! “ ( gusto ko nga! ) Sabay kakanta ng anumang kanta na natutuhan niya sa telebisyon, kung alam lang niya ang tindi ng panghihina ko sa “us-o o na!” Kung gaano ako nililiyo ng kaba.Tulad ng ibang bata, sabik na hinintay ni Rebo ang pasko. Kapapasok pa lang ng Disyembre’y madami na siyang pinabibiling damit at laruang bago. Subalit bago pa man dumating ang mga bago. Kalagitnaan pa lang ng buwan ng pasko. Tumambad na sa amin ang resulta ng huling pagsusuri sa kanyang dugo. “Cancer Relapse”. Muling paglitaw ng mga “Cancer Blast.” Sa madaling salita, malubha uli ang Leukemia ng aking anak. Kailangan muling ulitin ang proseso ng gamutan. Basura na ang dati. Bagong pag-aalala, hirap, pagod, paghingi ng tulong at gastos. Ang pinakamasakit, bagong kirot ng katawan at pangwawasak ng kaluluwa ang paulit-ulit na mararanasan ng aking anak. Subalit di na siya pumayag.Tatlong araw bago matapos ang Enero nang sundin ko ang kahilingan ng aking anak. “ Uwi na ‘ayo ‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na aya.” ( Uwi na tayo Tay. Ayaw ko na sa ospital. Di ko na kaya.) Mabigat sa dibdib. Ang totoo, ang kanyang ina, pati na ang ilang kapamilya ay nagsabi na sa akin na ipaubaya na lang sa Panginoon ang kapalaran ng aking anak. Disyembre pa lang nang malamang malubha uli ang kanyang karamdaman. Natatandaan kong nagwala ako sa ganito kababaw na argumento. Pinakatanga at palasukong argumento ang tingin ko sa ganito. Sinigawan ko sila. Inaway. Subalit sumunod ako nang si Rebo na ang nagsalita. Gusto ko mang ituloy pa ang laban, kahit marami pang damdaming masagasaan, pinatigil ko na ang gamutan dahil hindi na niya kaya. Pinatunayan na ito nang paglitaw ng pantal sa buo niyang katawan di pa man tapos ang muling kauumpisang sesyon ng Chemo Therapy. Labing-apat na sesyon at Labing-isang buwan ng gamutan ang pinilit na nilabanan bago sumuko ang aking mandirigma.May pag-asa pa. Dasal, milagro, alternatibong medesina, kahit anong di makakasakit at makapanghihina, gagawin ko. Bibilhin ko. Mabuhay lang ang aking anak. Ang aking si Rebo. Ang pinakamamahal kong bunso. “Anong gusto mo anak? Bertdey mo na bukas? Limang buwan pa a! Pero sige, gusto mo e! Yellow Balloons ? Lahat Yellow? Sige, magpapagawa ako. Maghahanda tayo dahil bertdey mo na bukas! Yipee!”Unang sabado ng paglabas niya ng hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang sabadong ito sa lahat ng sabado. Maraming –maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa kanyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang Beyblade bagamat ayaw niya itong bitawan sa loob ng kanyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang nakapangagalit, unti-unti na namang nalalagas ang kanyang buhok. ( “ Putang-inang Chemo Therapy, di na nga tinapos, nakuha pang kalbuhin uli ang anak ko!” ) Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kanyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakakadukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kanyang gilagid. Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat ng tanungin niya ako ng; “ Tay, may peya a?” ( Tay, may pera ka ? ) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang meron itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kanyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nagpabili siya kasi nais maglambing ng aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalangam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kanyang muling pagka-irita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang Mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo ng walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kanyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng Beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya’t kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na Helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga ng humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.Huling sabado ng Pebrero ang ikalimang sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kanyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga. “ Hindi nangyayari ito! Walang nagyayaring ganito.Mabubuhay ang anak ko! Sabi niya hindi niya kami iiwan ng Ate Kala niya! Nasaan ang mapayapang paraan ng pagkamatay na sinasabi n’yo!” Nais kong isigaw ito sa lahat ng kapamilyang nakapaligid sa amin subalit walang lumabas sa aking bibig. Pinipi ako ng malakas nilang pag-iyak. At bilang isang nagnanais maging mabuting ama, nang alam kong di na kaya pang lumaban ng aking anak, pinabaunan ko siya ng halik at hinayaan ko na siyang lumisan. “ Sige na ‘Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” At saka ako umiyak nang umiyak.Hindi ko man lang naranasang ihatid siya sa eskuwelahan. Di na namin nagawang makapag-usap nang masinsinan bilang mag-ama. Magkuwentuhan tungkol sa panliligaw habang nagtatagayan.Magtalo, magdebate, magsama sa lakaran. Nakuha kaya niyang mangarap kahit apat na taon lang ang kanyang naging buhay? Paano na si Kala? Sila lamang ang magkakampi mula nang maghiwalay kami ng kanilang ina. Paano ko sasabihin sa aking panganay na kailanma’y di na niya makikita ang kanyang kapatid? Na ang pagkawala ni Rebo ay ang pagkawala din ng taong naghahatid at naghihintay sa kanyang pag-eeskuwela. Mangungulila ang kanyang mga damit, sapatos, libro at laruan, kapatid at kaming mga magulang. Subalit di ko pinayagang mangulila ang Beyblade.Nakapaloob sa puting supot na binuhol nang maayos. Ang maraming-maraming Beyblade ay ipinatong ko sa malamig at matigas ng kamay ng may-ari bago tuluyang ibaba at tabunan ng lupa ang kabaong. Ikaanim na sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

Anim na Sabado ng Beyblade (Buod)

Anim na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Jarin
Ferdinand Pisigan JarinThis essay won Second Prize for Sanaysay in the 2005 Palanca Awards
  

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin naniyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wagkalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ngSabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote ControlledCars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyangBeyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito atmarami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon.Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglarong beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyangdinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niyamakuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyangkamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas angkaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang dina kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukotna rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanunginniya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot atbinuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akongnagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo saisang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kendingkaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangitingbumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasokna sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw namga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusangnalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya angkanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata angkasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapitng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upangmapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahitnang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Angmga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay nabakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot nangingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiganang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandalimatapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa akingbisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahilpagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahawng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.

“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado namasisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugarna walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.

Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralangtanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

Tuesday, June 14, 2016

Burung kakaktua - Rasa Sayang - Chan Mali Chan - Ru Con - Bahay kubo - Loi Krathong

Burung kakaktua - Malay, Indonesian

"Rasa Sayang" (pronounced [ˈrasa saˈjaŋ], literally "loving feeling") or "Rasa Sayange" (in Indonesia) is a Malay folk song popular in Indonesia, Malaysia and Singapore.

Chan Mali Chan - Malaysian Children's Songs – Malaysia

Ru Con – Vietnamese

Bahay kubo – Pilipinas


Loi Krathong  (Thai: ลอยกระทง, IPA: [lɔːj kràʔ tʰoŋ]) is a festival celebrated annually throughout southwestern Tai cultures, (Thailand, Laos, Shan, Tanintharyi, Kelantan, Kedah and Xishuangbanna).

Trade-off - Opportunity cost - Incentives - Marginal thingking - Kahulugan sa Tagalog

Trade-off - Opportunity cost - Incentives - Marginal thingking - Kahulugan sa Tagalog


Pagpapalitan  (trade–off) - ito ay sa pagpapalitan ng produkto ng mga ibat-ibang bansa


halaga ng pagkakataon (opportunity cost sa Ingles) ay ang halaga na ipinapataw sa isang bagay kapalit ng isa pang bagay para sa may pinagpipilian na hindi magkakaugnay na mga bagay. Ito ay isang mahalagang konsepto sa ekonomika. Ang ideya ng halaga ng pagkakataon ay may malaking importansiya para siguraduhin na ang mga mahirap na makuhang yaman ay magagamit ng mas epektibo. Hindi ang halaga ng pera ang itinutumbas sa halaga ng pagkakataon kung hindi ay ang tunay na halaga; ang halaga na hindi mo nakuha, ang oras na hindi na maibabalik, ang tuwa o kahit ano pang magandang bagay na maidudulot nito sayo; ay pwedeng gamitin na basehan para sa halaga ng pagkakataon.

Mga halimbawa
May isang tao na may P 100. Ang maaring niyang bilhin sa P100 na iyon ay isang CD o isang T-shirt. Ang halaga ng pagkakataon ng isang CD ay isang T-shirt at ang halaga ng pagkakataon ng isang T-shirt ay isang CD. Kung mas marami sa dalawa ang pagpipilian, pareho pa rin ang halaga ng pagkakataon para sa isang bagay, hindi para sa lahat ng bagay.

Ang isang tao ay piniling mag-tago ng P 5,000 sa bahay niya kung sakaling may kailangang pag-gastusan. Ipinagkakait niya sa sarili niya ang interes na maari niyang makuha kung sakaling idineposito niya ang perang iyon sa bangko. Ang interes na maari sana niyang makuha ay ang halaga ng pagkakataon ng pagtago niya ng pera sa bahay.

Kung ang isang lokal na pamahalaan ay nagpasya na magpatayo ng isang silid aklatan sa isang bakanteng lote sa kanilang lungsod, ang halaga ng pagkakataon dito ay ang mga gusaling hindi na pwedeng ipatayo sa bakanteng lote na iyon, halimbawa ay isang klinika.

May isang tao na gustong panoorin ang dalawang palabas sa telebisyon ngunit magkasabay na pinapalabas at walang paraan para mapanood ulit ang mga programa. Ang halaga ng pagkakataon ng panonood ng programa sa isang estasyon ay ang hindi niya panonood ng programa sa kabilang estasyon.


Ang incentives ay nakakapagbago sa isang desisyon. Halimbawa, naka-isip ka na ng bibilhin mong pagkain sa tindahan. Nang makapunta ka sa tindahan ay may nakita kang pagkain na mukhang mas masarap at mas mura. Dahil dito, yun na lang ang pagkain na binili mo dahil ito ay mas masarap at mas mura kaysa sa naisip mong bibilhin bago ka pa nakapunta sa tindahan.


Ang marginal thinking ay ang proseso ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon ay mas makakapag bigay ng pinaka malaking potensyal na balik kaysa sa gastos.

Monophonic - Free meter - Modal - Latin - Neume - Gregorian chant

It is monophonic. This means there is only one voice. There is no harmony. The voices of the singers sing the same words at the same time with the same melody. The many voices are united into one.

In music, monophony is the simplest of musical textures, consisting of a melody (or "tune"), typically sung by a single singer or played by a single instrument player (e.g., a flute player) without accompanying harmony or chords. Many folk songs and traditional songs are monophonic. A melody is also considered to be monophonic if a group of singers (e.g., a choir) sings the same melody together at the unison (the exact same pitch) or with the same melody notes duplicated at the octave (such as when men and women sing together). If an entire melody is played by two or more instruments or sung by a choir with a fixed interval, such as a perfect fifth, it is also said to be monophony (or "monophonic"). The Musical texture of a song or musical piece is determined by assessing whether varying components are used, such as an accompaniment part or polyphonic melody lines (two or more independent lines).

It has free meter (rhythm). Nearly all other forms of music have a metrical rhythm. This means that there is a regular repeating rhythm. Think of dance music; it has to have a repeating, predictable beat. This is not the case with the vast bulk of the Gregorian repertory (the exceptions being office hymns and sequences). Rather, Gregorian chant has what is called free rhythm. The reason for this is that the music is wedded to the liturgical text, which is usually prose speech. Think of speech. Does it have a rhythm? Of course, but it is different from the regular reoccurring rhythm of, say, a clock ticking.

Modal music uses diatonic scales that are not necessarily major or minor and does not use functional harmony as we understand it within tonality. The term modal is most often associated with the eight church modes. The tonal center of these modes is called its "final."

The text is in Latin, language of the Roman Empire spread over Europe (the romances languages did not exist). These texts were taken of the Psalms and of other Ancient Testament books; some of them were taken from the Gospels and others were of own, generally anonymous inspiration. Nevertheless some liturgical pieces exist in Greek language: Kyrie eleison, Agios o Theos (Liturgy of Good Friday)

A neume (/ˈnjuːm/; sometimes spelled neum  is the basic element of Western and Eastern systems of musical notation prior to the invention of five-line staff notation. The word entered the English language in the Middle English forms "newme", "nevme", "neme" in the 15th century, from the Middle French "neume", in turn from either medieval Latin "pneuma" or "neuma," the former either from ancient Greek πνεῦμα pneuma ("breath") or νεῦμα neuma ("sign"), or else directly from Greek as a corruption or an adaptation of the former.