Pages

Sunday, June 28, 2015

Tema ng heograpiya ng Thailand



1. Lokasyon ng Thailand: Ang tiyak na lokasyon ng bansa ay 13.7500 digris N, 100.4667 digris E.  Ito ay matatagpuan sa hilaga at silangang bahagi ng kontinente ng Asya.
 
2. Lugar ng Thailand : Ang bansa ay sumasakop ng 513.120 km ng lupa  at  2230 km ng tubig. Ang  Thailand ay may klimang tropikal.
 
3. Interaksyon ng tao sa Kapaligiran ng Thailand  - Ang bansa ay may malawak na sa sakahan. Ang Bangkok ang mas maraming populasyon sa Thailand dahil sa lokasyon nito. Ang mga gubat sa bansang ito ay lubha nang napinsala dahil sa maabusong pagpuptol ng kahoy.
 
4. Paggalaw ng Thailand  - Ang mga bus, transit at mga bangka ay ang pangunahing paraan ng transportasyon ng mga mamamayan.
 
5. Rehiyon ng Thailand -  Magkapareho ng linggwaheng gamit at sisitema ng pagsulat ang bansang Thailand sa karatig bansa nito. Budismo at Muslim naman ang pangunahing paniniwala ng mga tao.

Tuesday, June 23, 2015

Mitolohiya ng Greece - Hercules



HERCULES

Noong unang panahon, sa sinaunang Greece, at merong batang lalaking nagngangalang Hercules. Mula noong sanggol pa lamang si Hercules, lahat ay namangha sa kanyang lakas. Ngunit ang pagiging malakas niya ay isang problema para sa kanya, sapagkat nasisira ni Hercules ang anumang nahahawakan niya. Gulat na gulat dahil sa pagkawasak na naidulot niya, lumaking malungkot at mapag-isa si Hercules. " Kailanman ay hindi talaga ako babagay ditoang sabi ni Hercules kay Amphitrym at Alemene, ang mga mabubuting tao na nakakita kay Hercules noong sanggol palamang siya at ang nagpalaki din san kanya bilang sarili nilang anak.
Sa wakas ay ipinaliwanag na ni Amphitrym kay Hercules na siya ay naiiba sa lahat. " Ito ay ang nakasabit sa iyong leeg noong nakita ka namin,"ang sabi ng matanda habang ibinibigay niya kay Hercules ang kumikinang na medalyon. "Ito ay ang simbolo ng mga diyos. Nang dahil sa kagustuhan niyang malutas ang misteryo ng kanyang kapanganakan, naglakbay si Hercules patungo sa Templo ni Zeus, ang hari ng mga diyos, upaang malaman ang mga kasagutan. Nagulat siya nang biglang nabuhay ang rebulto ni Zeus at ipinaliwanag ni Zeus na siya ang tunay na ama ni Hercules at ang diyosang si Hera naman ang kanyang ina.

Ipanaliwanag ni Zeus na dinukot at ginawang mortal si Hercules noong sanggol palamang siya. Pagkatapos ay sinabi niya kay Hercules na hindi siya maaaring umuwi. " Ang mga diyos lamang ang maaaring tumira sa Bundok ng Olympus," ang sabi niya. " Ngunit kapag mapatunayan mo sa iyong sarili na isa kang tunay na bayani sa lupa, ang iyong pagkadiyos ay manunumbalik. "Una," sa pagpapatuloy niya, " kailangan mong hanapin si Philoctetes, ang tagapagsanay ng mga bayani." Binigyan ni Zeus si Hercules ng isang regalo, isang kabayong may pakpak na nagngangalang Pegasus. Lumipad si Hercules at nakita niya na rin si Philoctetes, ang Satyr. "Kailangan ko ang tulong mo". Ang sabi ni Hercules kay Phil. "Gusto kong maging isang bayani, isang tunay na bayani." "Paumanhin, bata." Ang sabi ni Phil. "Nagretiro na ako."Ngunit isang kidlat galling kay Zeus ang nagpabago ng isip ni Phil.

Ang pagsasanay upang maging bayani ay napakahirap para kay Hercules kay kung minsan ay naiiisip na niyang sumuko. Ngunit sa huli, kahit na mahirap, ay hindi siya sumuko at ipinagpatuloy niya anbg pagsasanay upang maabot niya ang kanyang layunin. Sa wakas ay sinabi na ni Phil na handa na si Hercules sa una niyang pagsubok, samalaking siyudad ng Thebes. "Kung makakapunta ka sa Thebes, maaari ka na ring pumunta kahit saan." ang sabi ni Phil. Sa kanilang daan papunta sa Thebes, nakita ni Phil at Hercules ang magandang babae na nagngangalang Megara, na kasalukuyang hinahabol ng isang Centaur. Kumaripas si Hercules upang iligtas si Megara. Pagkatapos matalo ni Hercules ang Centaur ay nagpakilala si Megara sa kanya. "Meg ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin." ang sabi niya. "Anong pangalan mo?" Namangha si Hercules sa kagandahan ni Meg kaya hindi siya makapagsalita ng diretso. "Ako,.. uh... Hercules,"paputul-putol na sabi ni Hercules. "Mas gusto kong tawagin kang wonder boy" ang sabi ni Meg. Sa kanyang daan pauwi, nakita ni Meg si Hades, ang diyos ng mundong ilalim, at ang mga alalay nito na sina Pain at Panic. Sinabi ni Meg na may nakilala siyang nagngangalang Hercules. Hercules! Nagalit si Hades ng narinig niya ang pangalan. Siya ang nag utos kina Pain at Panic upang tapusin si Hercules noon dahil si Hercules lamang ang makapipigil sa masamang si Hades sa pagsakop sa Olympus.

Si Hades ay nagsimula nanamang sirain is Hercules ulit. Ginamit niya si Meg upang lokohin si Hercules sa pagpapalabas ng nakakatakot na halimaw na tinatawag na Hydra. Ngunit natalo ni Hercules ang hydra at pati narin ang mga halimaw sa ipinapadala ni Hades. At sa bawat panalo ay naging sikat si Hercules. Kahit na naging sikat si Hercules ay nanatili siyang mortal at hindi pa siya maaaring tumira sa Olympus. Tinanong ni Hercules si Zeus kung bakit hindi parin siya makauwi sa Olympus. "Paumanhin ngunit ang pagiging kilala ay hindi katulad ng pagiging tunay na bayani."sagot ni Zeus. "Kailangan mo itong hanapin sa loob ng iyong puso." Sa huli ay naisip na rin ni Hades na walang sinuman ang mas malakas upang matalo si Hercules. Gayunpaman, ay naisip ni hades na meron siyang kahinaan... at nalaman na rin ni Hades ang kasagutan. Si Meg ang kahinaan ni Hercules. Kaya ginawa niyang bilanggo si Meg.
Hindi kayang makita Hercules na nakakadena si Meg kaya pumayag siya sa isang kakaibang kasunduan, Isusuko niya ang kanyang lakas sa isang araw kapag papalayain ni Hades si Meg. "Ligtas si Meg" pumayag si Hades. "Kapag nasaktan siya, ay manunumbalik ang iyong lakas."Pinakawalan ni Hades ang mga masasamang Titan mula sa mga hukay kung saan sila ikinulong ni Zeus. Pagkatapos ay inutusan ni Hades si Cyclops, ang halimaw na may iisang mata lamang, upang tapusin si Hercules. Kung wala ang makapangyarihang lakas ni Hercules ay wala talaga siyang kalaban-laban sa Cyclops, ngunit dahil sa pagbibigay ng lakas ng loob ni Phil, ay natalo ni Hercules ang halimaw. Si Meg ay nasaktan dahil iniligtas niya si Hercules sa nahuhulog na bato. Totoo nga ang pangako ni Hades, sa oras na masaktan si Meg ay manunumbalik ang lakas ni Hercules.

Hindi gustong iwan ni Hercules ang malubhang sugatan na si Meg, ngunit kinumbinsi siya nito na tulungan niya ang kanyang ama upang pigilan si Hades. Pumunta si Hercules sa Bundok ng Olympus at nakita niyang nakagapos ang mga diyos at si Zeus naman ay hindi makaalis sa bundok ng matigas na lava. Gamit lamang ang kanyang mga kamay ay sinira niya ang lava at pinakawalan ang kanyang ama. Nagtulungan sila upang matalo ang mga Titan.

Alam ni Hades na ang kanyang plano upang sakupin at pagharian ang Olympus as sira na. Kaya sa pagbalik niya sa mundong ilalim, pinagsamantalahan niya ang panahon upang sabihin kay Hercules na mamamatay na si Meg. Nagmadali si Hercules na balikan si Meg, ngunit ang kanyang kaluluwa ay napahiwalay na sa kanyang katawan. Nagmadali si Hercules na pumunta sa mundong ilalim, at doon niya nakita ang kaluluwa ni Meg na nakalutang sa hukay na puno ng mga kaluluwa. "Dalhin mo ako sa kinalalagyan ni Meg!"ang sabi ni Hercules kay Hades.

Ang kagustuhang pagligtas ni Hercules kay Meg kahit na buhay niya pa ang kapalit ay siyang gumawa sa kanya bilang isang tunay na bayani. Sa kanyang pagbabalik sa bundok ng Olympus, binigyan ng bayaning pagbati si Hercules. Ngunit sa huli ay alam na niya kung saan talaga siya nararapat, ssa lupa kasama ni Meg, kung saan kasama silang mabubuhay ng Masaya magpakailanman.

Mitolohiya ng Roma - Romulus at Remus

ROMULOS AT REMUS

Sina Romulus at Remus ay ang maalamat na mga tagapagtatag ng Roma. Sa mitolohiyang Romano, sila ay kambal namagkapatid, na mga anak na lalaki nina Rhea Silva at ng diyos na si Marte. Si Romulus at Remus ay ang kambal na tagapagtatag ng Roma na nasa loob ng tradisyunal na mito ng pagtatatag nito, bagaman paminsan-minsang sinasabi na si Romulus lamang ang nag-iisang tagapagtatag ng Roma. Ang kanilang lolo sa ina ay si Numitor, ang karapat-dapat na hari ng Alba Longa, isang kaapu-apuhan ng prinsipeng Troyanong si Aeneas, at ama ni Rhea Silvia (nakikilala rin bilang Ilia). Bago sila ipaglihi, tinanggal ni Amulius (kapatid na lalaki ni Numitor) si Numitor mula sa kanyang tungkulin bilang hari. Pinatay din ni Amulius ang mga anak ni Numitor at pinuwersa si Rhea na maging isang Birheng Malinis (Birheng Banal), na may intensiyong ipagkait kay Numitor ang pagkakaroon ng makabatas na mga tagapagmanan at kung gayon masiguro ang kanyang posisyon; subalit ipinagdalangtao ni Rhea sina Romulus at Remus sa pamamagitan ng diyos na si Marte, ngunit maaari ring sa pamamagitan ng demi-diyos na si Herkules. Nang ipanganak ang kambal, iniwan at pinabayaan sila ni Amulius sa isang pook upang mamatay subalit nailigtas sila sa pamamagitan ng magkakasunod na mahihimalang mga pamamagitan. Isang babaeng lobo ang nakatagpo sa kanila at pinasuso sila. Pagkaraan, isang pastol at asawa nito angumampon sa kanila at inalagaan sila at pinalaki bilang mga pastol. Ang kambal ay napatunayang likas na mga pinuno at nagkamit ng maraming mga tagasunod. Nang ipaalam sa kanila ang kanilang tunay na mga katauhan, pinaslang nila si Amulius, at ibinalik si Numitor sa trono ng Alba Longa at nagpasyang itatag ang isang bagong lungsod para sa kanilang mga sarili.

Ninais ni Romulus na magtatag ng isang bagong lungsod sa Burol ng Palatino ngunit mas pinipili ni Remus ang Burol ng Aventino. Nagkasundo silang piliin ang lugar sa pamamagitan ng augurya, kung saan isang paring manghuhula o augurang magpapasya. Tila si Romulus ang nakatanggap na mas mabiyayang mga tanda subalit ang bawat isa sa kambal ay nag-aangkin na ang mga resulta ay nasa kani-kaniyang pabor. Sa sumunod na mga pagtatalo, napatay si Remus.  Pinaimbento ni Ovid kay Romulus ang kapistahan ng Lemuria upang payapain ang nagtatampong multo ni Remus. inangalanan ni Romulus ang bagong lungsod bilang Roma, na isang pagpapangalan magmula sa kanyang sariling pangalan. Nilikha ni Romulus ang Lehiyong Romano at ang Senadong Romano. Ang populasyon ng Roma ay pinakapal ng mga pumapasok dito, kabilang na ang mga nangangalong (repuhiyado o nangingibang bayan) na walang lupa at mgasalarin, na karamihang mga lalaki. Pinaghandaan ni Romulus ang pang-aagaw ng mga babae magmula sa kanugnog na mga tribong Sabino, na kaagad na humantong sa digmaan subalit lumaong nagresulta sa pagsasanib ng mga Sabino at ng mga Romano bilang pinag-isang mga taong Romano. Mabilis na lumawak ang Roma bilang isang nangingibabaw na puwersa sa gitnang Italya, dahil sa banal na pagbibiyaya at kinasihan o inspiradong pamumunong pangpangangasiwa, pangmilitar, at pampolitika ni Romulus. Sa lumaong naging buhay ni Romulus, si Romulus ay naging masawtokratiko, na nawawala dahil sa misteryosong mga pagkakataon, at sinamba bilang ang diyos na si Quirinus, ang sagradong persona ng mga taong Romano.

Ang imahe ng babaeng lobo na nagpapasuso sa kambal na sinupling ng diyos ay naging isang mahuwarang kinatawan o representasyon ng lungsod at ng maalamat na pagkakatatag nito, na nagdulot upang si Romulus at si Remus ay maging tampok na mga magigiting sa gitna ng mga batang lumaki sa kalikasan na paksa ng sinaunang mitograpiya. Sa kabuuan, ang alamat ay pumapalibot sa mga ideya ng Roma hinggil sa sarili nito, sa mga pinagmulan nito, at sa mga pagpapahalagang nauukol sa mabuti at matuwid na kaugalian. Para sa makabagong kadalubhasaan, nananatili itong isa sa pinakamasalimuot at pinakamasuliranin sa lahat ng mga mitong pampagtatatag, lalo na sa paksa at paraan ng pagkamatay ni Remus. Walang duda ang sinaunang mga manunulat ng kasaysayan na si Romulus ang nagbigay ng kanyang pangalan sa lungsod. Karamihan sa makabagong mga historyador ang naniniwala na ang kanyang pangalan, bilang tauhan ng alamat ng pagkakatatag ng Roma, ay isang pagpapahaba ng pangalang Roma; samantala, ang batayan para sa pangalan ni Remus at gampanin ay nananatiling mga paksa kapwa ng sinauna at makabagong paggunita at pagwawari; ang mito o alamat ay ganap na ang pagkaunlad upang maging isang "opisyal" na bersiyong kronolohikal noong kapanahunan ng Panghuling Republikano at maagang panahong Imperyal. Pinetsahan ng mga Romanong manunulat ng kasaysayan ang pagtatatag ng lungsod mula 758 hanggang 728 BK. Sinabi ni Plutarch na si Romulus ay namatay sa gulang na limampu't tatlo; batay sa kanyang pagwawari at pagbibilang, ang taon ng kapanganakan ng kambal ay nasa bandang 771 BK. Ang mga maaaring naging batayan para sa malawak na pangmitolohiyang salaysay ay nananatiling malabo at pinagtatalunan; napakakakaunting mga modernong dalubhasa ang tumatanggap kina Romulus at Remus bilang mga tao na pangkasaysayan at makasaysayan. Ang arkeologang si Andrea Carandini ay isa sa mga napakakakaunting makabagong mga dalubhasa na tumatanggap sa pagiging makapangkasaysayan nina Romulus at Remus, na batay sa pagkakatuklas ng isang sinaunang pader noong 1988 na nasa hilagang gulod ng Burol na Palatino sa Roma. Pinetsahan ni Carandini ang kayarian na nagmula pa sa kalagitnaan ng ika-8 daantaon BK at pinangalan niya itong Murus Romuli (nangangahulugang "Moog ni Romulus", na sa literal na pananalita ay "Pader ni Romulus").



Mitolohiya ng Pilipinas - Bernardo Carpio



Bernardo Carpio

Nuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila ay mayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit.  Ang mga bata sa kanilang pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.

Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang
malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo.

Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isang
matapang, bantog, makisig, at maalamat  na mandirigma sa bansang Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.

Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapag
isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa masukal na kagubatan ng San Mateo.

Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay. Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan ang kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.

Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan upang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ng
pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayo ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.

Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nila
matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa
kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.

Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikan ng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo ang napipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sa pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapan silang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpay pa eto.

Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas ay nabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang maging matagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito ay
gumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulong
ng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi na makapamuno sa himagsikan.

Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila ay may nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim sa eksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upang
sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado.

Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu na sumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo (exorcism) kung
tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mga Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ng agimat na taglay ng engkantado.

Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilang inanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandang
bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib ay naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis na naglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado ang kanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.

Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unting siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.

Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa may paanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayari kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upang
humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bago naunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga  halinghing at pag-aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawala
ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahil lagi silang magkasama.

Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangka nila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong sila ng nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilang
kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang mga bato at nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ng engkantado. Sila ay nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakita
si Bernardo.

Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng nag-uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhi eto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.

Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking dagok sa namumuong himagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng isang malakas at matapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago muling nabuo ang loob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila.

Taung 1895 nang muling magpulong ang mga kalalakihan sa yungib ng Pamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio, ay ginawa nila ang unang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila

Mitolohiya ng Pilipinas -



Maguayen
( Mitolohiya ng Pilipinas : Bersiyon ng Visayas )

            Ilang daang libong taon na ang nakakaraan, wala pang kalupaan sa mundo at tanging karagatan lang at malawak na himpapawid ang makikita dito. Sa ilalim ng karagatan ay ang kaharian ng napakagandang Bathalang si Maguayen, kasama niya ang kanyang anak na babae na si Lidagat. Sa likod naman ng mga ulap, ang kaharian ng magiting na Bathalang si Kaptan at ang anak niyang lalaki na si Lihangin. Isang kasalan ang naganap ng umabot sa hustong gulang ang dalawang anak ng mga bathala ayon na din sa kanilang kasunduan, di naglaon ay nagkaroon ng tatlong anak na lalaki at isang babae sila Lihangin at Lidagat. Ang panganay nila ay si Likalibutan; matapang, malakas at malaking nilalang na ang katawan ay gawa sa mga lupa at malalaking bato. Ang ikalawa ay si Liadlaw; gawa sa ginto ang katawan, masayahin, masunurin at gustong gusto niya na napapasaya niya ang mga magulang at kapatid. Ang ikatlo ay si Libulan; taglay ang katangian ng isang tingga, mahina ang pangangatawan, tahimik at mahiyain. Ang huli ay ang nag iisang anak na babae na si Lisuga; maganda, mabait at nagniningning dahil sa gawa ang katawan sa purong pilak. Masayang masaya sa kanilang mga anak sila Lihangin at Lidagat.

            Ibinigay kay Likalibutan ang pamamahala sa kaharian ng hangin ng pumanaw ang kanilang ama na si Lihangin, hindi nagtagal ay sinundan ni Lidagat ang kanyang kabiyak. Ilang taon makalipas ang pagpanaw ng mga magulang, dumalaw si Panlinugun; ang Bathala ng kailaliman, kay Likalibutan, kasama niya si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan; ang Bathala ng kasakiman. Ipinagmalaki ni Likalibutan ang kanyang taglay na kapangyarihan sa dalawa, ngunit sinabi nila na higit na mas malakas ang taglay na kapangyarihan ni Kaptan na ama ng kanilang ama kung ihahambing sa kanya. Dahil sa kagustuhan na madagdagan pa ang kanyang kapangyarihan at sa pangbubuyo ng dalawa pang Bathala, nagplano sila kung paano makakapunta sa Kaitaasang Kaharian, sinabi nila Panlinugun at Burigadang Pada Sinaklang Bulawan na may kakilala si Saraganka Bagyo; ang bathala ng mga bagyo, na makakatulong sa kanya. Pinilit niya na tulungan siya ng kanyang dalawang kapatid na lalaki. Sa una ay ayaw pumayag ni Liadlaw sa plano ng kapatid na pagsugod sa Kaitaasang Kaharian kung nasaan si Kaptan at ang Kataastaasang Bathala na si Tungkong Langit. Sa huli ay napapayag na din siya dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang nakakatandang kapatid, napapayag din nila si Libulan dahil din sa takot sa galit ni Likalibutan. Pinuntahan nila si Saraganka Bagyo ng magkasundo silang tatlo, naabutan nila ang Bathala na naglalaro at gumagawa ng isang malaking bagyo kasama si Ribong Linti; ang Bathala ng kulog, itinuro sila ng mga ito kay Barangaw; ang bathala ng bahaghari, hindi nila sinabi ang tunay na pakay ng pagpunta sa Kaitaasang Kaharian gaya ng bilin ng dalawang Bathala na nangbuyo sa kanila. Iginawa sila ni Barangaw ng isang tulay na gawa sa bahaghari, at tinungo na ng tatlong magkakapatid ang Kaitaasang Kaharian.
            Isang napakalaking pinto na gawa sa makapal na bakal ang bumungad sa kanila, sinira ito ni Likalibutan sa pamamagitan ng pagpapakawala ng tatlong malalaking buhawi, papasok na sila sa loob ngunit isang matalim na kidlat ang tumama sa lalakaran nila. Naglalagablab ang mga mata ni Kaptan sa galit dahil sa pagkakasira ng kanyang pinto, nangatog ang tuhod nila Liadlaw at Libulan ng maramdaman na nasa likuran na nila ang galit na Bathala. Nagpakawala ng limang buhawi at inihip ni Likalibutan ang pinakamalakas na hangin na ikinatalsik ni Kaptan sa kawalan, humugot pa ito ng isang malaking bato sa katawan at inihagis sa Bathala. Binasag niya sa pamamagitan ng kanyang kamao ang batong inihagis ng kanyang apo, lalo niyang ikinagalit ng malaman mismo sa apo ang dahilan ng pag punta, hinding hindi niya mapapalampas ang ganitong kalapastanganan sa kanya, pinatamaan niya ang tatlong apo ng mga matatalim na kidlat, sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na nagawang makaiwas ng magkakapatid. Natunaw at nagkorteng bilog ang mga tingga at gintong katawan nila Libulan at Liadlaw, nabasag naman sa malalaki at maliliit na parte ang batuhang katawan ni Likalibutan at nahulog sa karagatan. Galit na binaba ni Kaptan si Maguayen at pinagbintangan na siya ang nag utos sa ginawang pag salakay ng tatlo sa kanya, pilit itinaggi ito ng magandang bathala at sinabing wala siyang kinalaman tungkol dito. Napadaan naman si Lisuga sa kinaroroonan nila Kaptan at Maguayen, balak niyang itanong sa dalawang Bathala kung nakita nila ang kanyang mga kapatid, ngunit nakita niya ang mga galit na galit na mata ni Kaptan na nakatitig sa kanya at bigla isang matalim na kidlat ang tumama sa kanya. Nakita nila na nagkadurog durog sa maliliit na piraso ang katawan na purong pilak ni Lisuga, hindi makapaniwala si Kaptan sa nagawa , nadala siya ng sobrang galit at nilamon ang kanyang pang husga, huli na ng bumalik sa katinuan ang kanyang isip. Ikinalingkot ng dalawang bathala ang trahedyang naganap, hindi na nila mababalik ang buhay ng kanilang mga apo kaya bilang paghingi ng tawad binigyan nila ng liwananag ang mga wala ng buhay na katawan ng mga apo. Ang ginintuang katawan ni Liadlaw ang ginawang araw at naging buwan naman ang katawan ni Libulan, mga bituwin naman sa langit ang nagkadurog durog na katawan ng kaawa-awang si Lisuga. Wala silang ibinigay na liwanag sa katawan ni Likalibutan, ito ay bilang parusa sa kasakiman nito pero ang mga nalaglag na katawan nito sa karagatan ay magiging kalupaan na siyang titirhan ng mga tao na kanilang lilikhain.

            Binigyan ni Kaptan si Maguayen ng buto upang itanim sa isa sa mga isla, makalipas ang ilang panahon tumubo ang isang halaman na kawayan at sa mga sanga nito lumabas ang isang lalaki na pinangalanan na Sikalak, Sikabay naman ang sa babae. Sila ang mga unang magulang ng mga tao, ang unang anak nila ay si Libo, ang sumunod ay babae na si Saman. Si Pandaguan ang pinakabatang anak nila ay maalam o matalino at ang unang bagay na kanyang inimbento ay isang panghuli ng isda. Isang pating ang unang isda na nahuli niya, labis niyang hinangaan ang kanyang nahuli at sa laki nito inakala niya na isa itong Bathala, kaya ng dalhin niya ito sa kanila inutusan niya ang mga tao dito na sambahin ito, kaya naman araw araw tuwing umaga at hapon ay iniikutan ng mga tao ang dambuhalang pating habang kinakantahan at dinadasalan. Ikinagalit ni Kaptan ang ganitong gawain, bumuka ang kalangitan at karagatan at lumabas ang dalawang Bathala, iniutos nila kay Pandaguan na itapon ang pating sa dagat at sila lang ang tanging dapat sambahin. Natakot ang lahat ngunit hindi si Pandaguan, naibulong niya sa sarili na ang pating ay kasing laki at nakakatakot tulad ng mga Bathala ngunit nagawa niya itong mahuli at mapatay, siguro maaari din niya itong magawa sa isa sa mga Bathalang nasa harapan nila ngayon at tiyak na sasambahin siya ng mga kanyang kasama. Narinig ito ng magiting na bathalang si Kaptan at nagalit, isang matalim na kidlat sana ang kanyang pakakawalan ngunit siya ay natigil ng hawakan ni Maguayen ang kanyang kamay, naalala niya ang pagkamatay ng kanilang mga apo dahil sa hindi niya napigilan ang sarili pero hindi dapat palampasin ulit ang ganitong kalapastanganan. Kaya pinatamaan niya si Pandaguan ng isang mahinang kidlat upang hindi mapatay ngunit sapat ng parusa sa kalapastanganan, pinarusahan din nila ang ibang mga tao at ikinalat sa ibat ibang isla, ang iba ay dinala sa hilaga kung saan inalis ng sobrang lamig ang kanilang mga pakiramdam, ang iba naman ay dinala sa timog kung saan sa sobrang init ay hinapo ang kanilang mga katawan, ang iba ay dinala sa silangan kung saan ang lupain ay walang mapagkukunan ng pagkain kaya napilitan silang kumain ng putik. Tatlumpung araw ang nakalipas ay nagbalik ang lakas ni Pandaguan at muling nakatayo pero ang katawan nito ay nasunog dahil sa kidlat ni Kaptan, naging kulot din ang kanyang mga buhok dahil sa pagkasunog at siya ang naging unang angkan ng tribo ng mga negrito.